Giving is receiving

by reyna12 on September 26, 2007

And so, may I went ako sa pos opis this morning to ship this thing:

giving-002.jpg

What’s gonna happen kaya pagdating nito sa pos opis in the Flippines? Ipakilo kaya nila? Makarating kaya to sa kina-uukulan? Humingi kaya sila nang kickbacks? Abangan kung ang librong to eh maging engkanto!!!

Why do I say this?

Dun kase sa condo namen, the mails are delivered at the guardhouse. Dun binabagsak nang mga tiga-pos opis. Which I honestly don’t understand! So, minsan, pag busy ang guard, yong janitor ang nakikita ko na minsan ako pa ang tinatanong kung sino tong mga ponzio pilatong to! When I was there, I subscribe to a number of magazines, pero hindi isang truckloads na ginawa ko dito sa Philadelphia nong tinupak ako laz yir dahil nakalimutan kong uminom nang prozac. But in Pasig, I want my Wall Street and my National Geographic. Drama ko lang to ba sa mga neighbors ko na kunyari intellectual ako.  And di nila alam, sa gitna nang Wall Street ko is litrato nang aking si Piolo. Pasensya na kayo, I am one intellectually disobedient person.

Anyway…

My Wall Street is supposed to be daily, pero parating me pagitan. Minsan, nawawala yung mierkoles, o kaya biernes. Siguro pinang-balut na naman nang tinapa sa Mutya Ng Pasig. My National Georgraphic? I swear, ilang kopya lang ang nakita ko. Yong Wall Street, I still have to email the guys in Hong Kong to cancel my subscriptions. Yong National Geographic? Bayad na yun. Congratulations na lang kung sino man yong reader ko. I don’t blame these guys sa condo namen. Who knows kung saan nabutas yong sako nang mails, you know! But it’s not something that I made a big deal when I was there.  Natatawa na lang ako dahil etong katulong nameng si Delia, sabi ba naman “Me mga komiks naman ako dito, ah!”. Ayun, updated tuloy ako nang ka-Yilmazan ni Ruffa.

Kaya naman, good luck na lang at sana makarating tong librong to sa Valenzuela City!

 HEY! DID YOU HEAR?

A Nation’s Passion Lives in a Rivalry of Green vs. Blue  

It’s on the New York Times!

23rivalry_1_190.jpgSenators, foreign diplomats, cabinet ministers, a smattering of Forbes’s 40 richest Filipinos, movie stars and enough professional basketball players to play five-on-five. They are the elite of Philippine society, and they all gather at Araneta Coliseum in Quezon City to watch the men’s basketball rivalry between the universities Ateneo de Manila and De La Salle.

 The rivalry allows Manila’s elites to relive their carefree college days, said Ricky Palou, Ateneo’s athletic director. “It’s the passion they have for their alma mater,” he said. “They become immature. They act like kids.”

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 23 comments… read them below or add one }

nina September 26, 2007 at 7:13 am

balita ko kahit books minsan may tax hahahahhaha! tapos kailangan personal pang i-claim yong mail sa post office.

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 7:18 am

tax?! really?! WOW!!! hahaha!!!

i sent an overnight package (inabot nang 1-week FedEx) to Pasig, tapos pinagbayad kamo yong pangkin ko nang almost Php7,000 pesoses for sumtin’ sumtin’ – nag init ang ulo ko kaya pos opis ko pinadala ngayon to.

ang alam ko sa pos opis, personal mong iki-claim and you’re right dahil na-experience ko na yan.

[Reply]

nina September 26, 2007 at 7:41 am

konting tax lang naman kasi nabasa ko kay Market Manila, may reader cya tapos pinadalhan cya ng book. PIna-claim nya sa driver nya pero ayaw ibigay kung hindi personal tapos pinagbayad cya ng 50 pesos ata na tax. Kainis di ba kasi nakakaabala ;(

Mahirap talaga magpadala sa pinas. HIndi tulad dito sa Qatar, basta less than $800 (for personal things), no questions ask unless it’s an industrial equipment or hazardous material.

[Reply]

Gloria September 26, 2007 at 11:36 am

makakarating yan. di yan nila trip basahin. ha ha !! wala namang tax, may additional pay lang before you can claim it parang 7 -20 pesos depende sa laki ng package. so far wala pa namang foreign package na nawala papunta sa akin. buti pa yung reader’s digest subscription ko dati may issues na nawawala. dito sa gubat no problem kasi neighbor namin postman, so no need to personally claim from the post office in town. unless yung central post office sa manila ang magka-interes nung package…otherwise palagi naman nakakarating sakin these days. :-D

[Reply]

bluepanjeet™ | OTWOMD™ September 26, 2007 at 1:43 pm

makakarating yan reynz kasi yang si malen siguradong tatalak-talakan ang mga nasa post office haha. Peace malen!

[Reply]

chuvaness September 26, 2007 at 3:17 pm

Awwwww! ang swerte naman ng bibigyan mo Reynz. I’m sure, kung sino man sya, tuwang tuwa yun sa galak…malamang nakaabang lage sa gate.

[Reply]

chuvaness September 26, 2007 at 3:18 pm

Bluepanjeet, alam ko ang tawag jan… INGGIT

[Reply]

psyche25 September 26, 2007 at 3:43 pm

Nakuuuu.. ewan ko kamahalan kung makakarating…. keeping my fingers crossed na sana nga eh makarating yan sa kinauukulan. Ako kasi, nagpadala din sa isang prend diyan sa Pinas ng libro thru the pos opis din. ‘Kala ko di pagkakainteresan kasi book by Frederick Douglass na binili ko sa aking unang yapak sa Washington DC ba. Ayun…. hanggang ngayon di pa rin natatanggap ng aking prend…. and that was seven years ago…

[Reply]

chuva September 26, 2007 at 6:13 pm

aba, ang lambingan ni bluep at chuvaness, nauwi sa iritahan.. he-he!!

labs ko kayo both!! ;)

reyna, bakit ako walang GIVING?? Gibs ka ng gibs sa iba, ako ni taho hindi mo mabigyan.. hmmpf!!

[Reply]

bluepanjeet™ | OTWOMD™ September 26, 2007 at 9:44 pm

@malen – kaw talaga napipikon ka sa akin biro lang yun… di naman ako inggit eh palagi lang kita binibiro kasi masarap ka kabiruan. hala tampo na ako sayo di na kita bibiruin :-(

mananahimik na ako hanggang sa huli kong hininga…

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 10:37 pm

Gloria,

dun samen sa Castilla – nakupo, yong brother ko may i send nang readers digest samen, pan-display baga, walang nagbabasa sa bahay kase inglish nga, parating nawawala din yun! hahaha

me mga kakilala pala ako dyan sa Gubat like…. ESCOBER!

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 10:39 pm

psyche25! you mean, nagsasagwan pa yong nagdeliver nang libro?! por dios por santoooo!!

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 10:40 pm

bluep at chuvaness,

nabaliw ako sa opis kanina kaso di ako makapag blog! you know! sarap nang iringan ninyo! sino kaya ang mauunang bumanat nang “name calling!” hahahaha! alam nyo pag nagkaganun, di ko ii=edit! hahahah

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 10:42 pm

chuva,

hinihintay ko ang GIVING mula ki Chuvaness at GIVING ko sya sayu. hehehehe

[Reply]

bluepanjeet™ | OTWOMD™ September 26, 2007 at 10:43 pm

Inang, joke lang sa akin yun hehe. ewan ko aawardan daw ako ni Chuvaness hahaha. Okay lang mabait naman ako, diba Malen :wink: lambingan lang namin ni malen to hehe

[Reply]

bluepanjeet™ | OTWOMD™ September 26, 2007 at 10:47 pm

bakit kaya palagi ako inaaway ng babae.. mabait naman ako at palabiro… pag hindi sa email dito sa blog hahahaha… wawa naman ako… hahaha

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 11:21 pm

HAHAHA! Baka me balat ka sa pweeettt!!! HAHAHAHA

[Reply]

bluepanjeet™ | OTWOMD™ September 26, 2007 at 11:26 pm

BTW, ateneo ako if ang kalaban sa UAAP ay la salle…

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 11:34 pm

HAHAHA Same here! ATENISTA EVERRRR!!!! (marami akong dinonate na pera dyan via my pangkins!!!)

[Reply]

psyche25 September 27, 2007 at 3:19 am

your highness, bikolana ka ba? Castilla.. Gubat… ? Sorsogon yun di ba?

[Reply]

chuvaness September 27, 2007 at 3:54 am

nyahahahha :D

bluep, hinde ako pikon no…tamporurooot ka jan….hahaha…wag ka magalala…pwede ko pahiram sayo un book o kaya ipa-photocopy mo na lang…..nyahahaha

tama ba ko ng intindi sa comment mo sa blog ko, reregaluhan mo ko sa pasko ng domain? Get get awwwwww!

[Reply]

reynz September 27, 2007 at 11:20 am

psyche25!!!

YESSS! Je suis URAGON! URAGON ako psyche25! URAGONNNN!!!!!!

[Reply]

psyche25 September 27, 2007 at 12:27 pm

hehehe… kabayan pala kita…. no wonder beauty ka…. :) – from Legazpi naman me. Uragon talga mga bikolano!

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: