Anong koneksyon nag boypren ko sa Credit Bureau? Eto.

by reyna12 on September 20, 2007

Naonse na naman ako! Pan-dose na tong pang-o-onseng nagawa saken!

Eto ang estorya

I love you ko sya talaga. I love you nya rin ako. Yun lang nga, pag di nya sinasagot mga teks ko, nag-iinit ang ulo ko. Pero iniks-pleyn nya naman saken na nung mga oras na yon, low-bat lang naman pala talaga sya. Na-awa naman ako. Siempre, pinatawad ko. Lately, napansin ko dumalas ang tawag at mga teks nya. Ba’t kaya iba iba na naman ang mga numbers nya? Nang-snatch na naman ba sya nang mga cellphone? Si-neyb ko lahat nang numero. Tingnan nyo naman ang celphone ko, nagmukha na syang Yellow Pages sa haba.

Tumindi yong I love you nya. Aktwali, miyak-iyak pa sya. Eto o! Dito sya miyak-iyak. Feel na feel nang lola nyo at of course ang saya ever nang puso ko. And then…he whispered unto my ears. (read: umutang). Di ko na sasabihin kung magkano. Alam ko, katakot takot na pagmumura ang aabutin ko senyo. Basta ganito na lang, mahal ko sya, trulili. Todo ever talaga ang pasalamat nya. Nag-te-teks. Nag-eemail. Tumatawag. Saan ka naman nun?! Berde ka sa inggit, di ba? Hangga’t one day, nabwisit yata sa pakikinig ang Globe, silence forever. Naputol ang linya. Linya… Putol… Wa na… Hello? Nada… Te-neyp ko pa sya nang kuritas, wala talagang signal! Today pa naman ang araw nang ako eh sisimulan na nyang bayaran!

Naghanap nang pwedeng masi-sisi

Eh kung me credit bureau! Eh di sana, na-check ko yong payment pattern nya! Nahuli ko sana kung sino sino pang kina-kalantare nya di ba? Nalaman ko sana kung ano ba talaga ang work nya? Basta, night shift daw. Yong opis nya is from Malate hanggang Banawe. Ba’t nga ba walang Credit Bureau saten? Pag me uutang, “babayaran naman kita, ah!”. Maige sana kung yong nanliligaw sayo eh pedeng i-request ang Credit Rating, di ba? Di ba?!

Alam ko! alam ko! Marami senyo ang ayaw nang Credit Bureau por dahil nga mawawalan daw tayong lahat nang privacy?! Hello! Sinong inu-ulol nyo?! Tama na! Tama na! Makibaka!!! Dapat nang linisin ang lipunan sa mga hindi nagbabayad nang mga utang! Pero ano nga ba to? What in the world is a credit bureau? Eto ba yong mga na-ngu-ngulekta nang mga pautang nang mga titsers? O, eto yong pina-pautang ang mga titsers? HINDI!~!@#$%~!

Credit Bureau

Ang Credit Bureau eh isang independyenteng organizasyon at walang ginawa kundi icompile lahat nang mga inutang mo bilang tao o kaya negosyo at kung anong uri ka pa man. Ngayon, bibigyan ka nila nang score sa history nang pagbayad mo nang mga inutang mo. Pag on time ka magbayad, mataas score mo. Pag inonse mo inutangan mo – chugi ka, score mo baka umabot nang negative! Basta ang drama chuvalais nang Credit Bureau na to eh, mabawasan yong mga palpak na pautang na indi naman pala babayaran at mabawasan ang mga panlolokong ginagawa gaya nang boylet kong ulol.

Credit Investigator

Ngayon, iba-iba ang drama nang mga credit bureau. Pag dito ka sa Estados Unidos, ganito ang drama. Pag tiga Barrio Siete ka, Credit Investigator ang tawag namen. Yun bang “Ei, Matilda, pag me naghanap saken, ganito ang sagot mo ha?”. Taz, tatawagan mo kebigan mo di ba? “Ei, Matilda! Umuutang ako sa BPI, sinabi kong boss kita, pede mo bang sabihing Executive Vice President ako at pakigawa mo na rin ako nang W2, gandahan mo sweldo ko! daanan ko mamya!”. Ganun. (Sa totoo lang ano? Alam ko mas dramatic pa ang mga pang-uulol na ginawa nyo sa mga credit investigator! Hahaha! Magsabi kayo nang totooooo!!!!)

Pahabol:

Credit bureau: Where do we go from here?

  • The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) has long been pushing for the passage of the Credit Bureau Bill, with little progress.

  • Banks and other industry groups have fully backed up this endeavor, but to date, discussions and talks about the credit bureau remain as is – conversation topics, ideas…brief strokes of brilliance that are not put into action. Puro lang chika, you know.

  • And as always, we are lagging behind our Asian neighbors such as Thailand, Hong Kong and Vietnam. Ano pa nga ba ang drama naten kundi forever kulelat?

Is it not about time that a move toward real economic growth be given serious attention?

More pahabol:

Here’s the trailer of the Maxed Out movie that JHVRotschild is talking about:

 [youtube=http://www.youtube.com/watch?v=YiOVNWoWTAU]

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 15 comments… read them below or add one }

JHVRothschild September 20, 2007 at 4:36 am

A credit bureau is definitely a good idea in the Philippines. I don’t have the numbers, but I think that the consumer credit market in the Philippines is large enough to sustain it. Reyna, you should watch Maxed Out. It’s a good movie about the US Consumer Credit Market. It’s a Michael Moore-esque expose.

Honey, DUMP that bf of yours he’s a loser.

Ciao!

[Reply]

reyna elena September 20, 2007 at 4:47 am

Hi JHV, I know about the movie and been meaning to watch it. Thank you I’ll post the trailer here.

[Reply]

pusa September 20, 2007 at 6:19 am

hala nao-onse ang reyna! anyhu kc naman d2 sa pinas we still believe sa palabra de honor lalo na kun kakilala/kamag-anak natin un umuutang kaya kahit wala kasulatan go, kaya nagiging de horro r ang ending :)

[Reply]

nina September 20, 2007 at 8:34 am

consider money lent to friends and realatives as expenses. so best thing to do is lend them what you can afford to lose or do not lend money at all.

[Reply]

bluepanjeet™ | OTWOMD™ September 20, 2007 at 2:02 pm

alam mo I never thought of this. this is actually a good I dea. I know someone in the US who had a hard time getting a job because the HRD’s of every company kept on checking her credit records and some companies wouldn’t hire such.

The congress would not pass the bill kasi kahit sila napakadaming utang sa bayan.

[Reply]

diwatangbyaning September 20, 2007 at 8:50 pm

Kaya sa susunod hihingi ka dapat ng kolateral, ewan ko ba sayo… Negosyante ka diba? Nag MBA ka sa Temple at nag fellowship ka pa sa George Washington chorva chorva… Diba dapat magaling ka sa ganyan? eh anong nangyari? asan na ang mga kolateraral nila???????????? Wag mong sabihing ipi-nang-BUMP mo? lahat yon? he he he…

[Reply]

reynz September 20, 2007 at 9:56 pm

eyeswear diwa! eyeswear! tsinek ko lahat nang notes ko, di namen na-discuss yong situation na pauutangin mo ang boylets mo! wala talaga! peks man!

[Reply]

bluepanjeet™ | OTWOMD™ September 20, 2007 at 10:06 pm

teka nalilito ako, mahina kasi akosa archeology eh.

pag ba sinabing collateral ibig sabihin ba non pang guarantee? halimbawa mangungutang ako, so dapat may pang-garantiya ako na pambayad tulad ng bahay o lupa?

Gandang Umaga!!!

[Reply]

reynz September 20, 2007 at 10:18 pm

bluep! later! attend nang PTA Meeting ang lola mo! Late na ako! I was just stopping by!

[Reply]

reynz September 21, 2007 at 2:04 am

Back from PTA meeting! nakuuuu!!! Grabe pala ang PTA meeting dito sa Estados Unidos!!

Anyway! Pag sinabing collateral bluep, once na di ka nakapagbayad, normally (depende sa kasulatan) sell yong collateral at yong benta eh bayad sa utang at pag me sobra, give back dun sa me ari at kung kulang, di bayad pa sya. But essentially, ganun na nga yung sinabi mo.

[Reply]

diwatangbyaning September 21, 2007 at 3:23 am

Paano Inang kung walang pangkolateral na ari-arian? Pwede ba ang puri at dangal na lang? Hik-hik…

[Reply]

kutz September 21, 2007 at 4:23 am

priceless ang ating alindog Diwa kaya sigurado, maraming “give back” sa ‘ten, hihihihihi!!!

[Reply]

reynz September 21, 2007 at 10:36 am

@diwa,

hehehe, ang alam ko, ako lang ang nag-oo-offer nang puri at dangal

[Reply]

Lizzz September 26, 2007 at 10:47 pm

Ahhhh.. ganon pala yon…

[Reply]

reynz September 26, 2007 at 11:23 pm

ano? ano? anu liz ang nasolve mong puzzzle? share namannnn!!! hehehehe!

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: