Happy berdey at ingat sa byahe ‘pare!
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
Sya si Obet, yong entertainer ni Matilda sa Discovery Suites. Sinigurado naman sakin ni Matilda na ibinalik nya si Obet na walang dagdag at walang kulang. Bespren ko lang talaga si Obet, peks man. Kahit itanong nyo sa mga engkanto dito.
Alam nyo naman, umuwi ang Matilda sa Pilipinas at tsi-nek nya yong kanyang babuyan. Gusto na nya kasing mag-retire sa Pilipinas. Dapat lang. Otsenta otso na sya. Dahil ayoko namang magmukha syang pokpok sa kalsada nang Metrowalk sa Ortigas, tinawagan ko ang aking mga kumpare na alagaan ang aking asawang si Matilda. Si Obet ang tinawagan ko. Pucha pag tumatawag ako, sila na lang yata ang customer na natitira sa BerdengSinturon, sa SilangangKahuyan at MetroLakad.
Dahil nag-enjoy ang asawa ko sa Ortigas, masayang masaya sya na binilhan nya ako nang pasalubong. Polboron. Ganun lang. Bwisit talaga. Hmmpt! !@#$%^&*~! Eto, tinititigan ko pa. Me formalin kaya to? Baka naman, abo lang to? Me kutob akong gawgaw to na binili lang sa talipapa nang Pasig. Wala na bang matinong pasalubong sa reyna?! Ayoko nang gawgaw!!!
Anyway, as usual, linggo ngayon. Medyo me kainitan sa labas, inayos ko ang palayang tinanim ko sa ilalim nang mga mums. Para nga di mapansin nang neighbors ko. Aba! Mahal na ang bigas ano!
Kumakalembang telepano ko! Aba! Si Obet!
Hello! Rainier! Paalis na ako!
Ha? Kelan?
Ngayong Byernes.
Masaya ang Obet of course, makakabyahe na naman sya. You see, Obet is a seaman. It’s with him, sa pangkin ko, at sa iba ko pang kebigan nalaman kung gano kahirap ang buhay nang isang seaman. Pilit nga nila akong isinasama. Para daw talagang tuluyan nang magkatoto ang aking pantasya. Ano? Wala akong pantasya! Sirena talaga ako!
Yong seaman pala goes on an average trip of 6-8 months and kung ma-extend, 10 months sa laot. That’s when they go on vacation. He’s been on vacation for roughly 6-7 months. Tagal ano? So, whatever savings you have, am sure tigok! Ganun ang nangyari sa pangkin ko. They even came to the Port of Baltimore. Binisita ko. Check ko yong barko. I thought ganito:

Siguro, one-fouth lang nyan. Nag-kwento pangkin ko. Mahirap daw pala magtrabaho. And I thought it was funny kung ano ang mga pinamili nya saakin. Chocolates, peanut butter, kung ano anong cookies, aspirin, aleve at kung ano ano pang gamot. Nagtaka tuloy ako. Ewan, siguro magtatayo sya nang botika. Dinalhan ko na rin nang sweaters. Palibhasa first timer ang pangkin ko, andun sya sa bottom nag-wowork. Napaka-init. Pinakilala nya ako sa Grekong kapitan. Magaling syang managalog. First word nya sakin - p*ta ina mo! Tawanan sila ever! Sinunda nang s*pot! Hagalpak ever na naman! Kunyari di ko alam - so - I said - where’d you learn those words? He said, oh! They teach me! Ganun. Ganun naman talaga tayong mga pinoy di ba? Anyway, bumaba nang barko ang pangkin ko. Aabutin nang almost 1 and 1/2 years bago makasakay uli. Ganun kahirap pala ang buhay nila.
This time, it’s Obet’s 2nd time. Di pa raw nya alam kung ano ang sasakyan nya. Ganito ba?
Kasi kung ano, eh di padadalhan kita nang salbabida. Hmm… medyo malaki naman pala dito nang konti. Matagal pa ang kwentuhan namin sa phone. Di ko na sasabihin. Amin na lang yon! He He He *kinikilig* Weeeeeee!!!!!
See RELATED NEWS:
RP Unable to meet demands for seafarers
Popularity: 4% [?]
Viewed 77 times by 43 viewers

July 16th, 2007 at 2:45 am
hahahahha. kinilig sa bestfriend. classic!
hirap talaga ng seaman…and yang mga yan (sige na nga hinde lahat)…mga SEAMAN-LOLOKO yang mga yan. I should know, dami kong uncles na seaman eh…
tsaka my 2 bros, cuz and several other friends and distant relatives are all seamen by profession…
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 3:20 am
SEAMAN-LOLOKO? hu hu hu! *prssst! waaaa!!! GANUN BA SILA?! wala bang seaman na nagbabasa nitong blog na pedeng ipagtanggol ang lahi nila?
tsk! tsk! tsk! *niloloko kaya ako ni obet?! tingin nyo?
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 4:18 am
uy, bagong bisita si malen? *ehem, ehem. nagpapakilala* good day, malen and welcome to the queendom of the most byutifooool sirena sa kaharian ng mga enkanto at diwata. ay em, bea, the unofficial GRO here. we have an official GRO, but sad to say, she can’t be here to welcome you at this moment because she’s in a hospital. may duty lang. i hope you’ll have a great time here. balik-balik ka lang. at sa tuwing mapapadpad ka dito, magdala ka sana ng maraming papoooooori para sa inang ko. gusto niya niyan, maraming-maraming ganyan to feed her ego. pag na-feed mo ang ego niya, garantisado, 101 per cent na malulukring ka sa tuwa at saya dito sa palasyo.
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 9:36 am
malen, bea is telling the troot, nuttin’ batz da troot. he he he! lunes pa naman samen ngayon. insultuhan evah evah na naman to sa opisina, kaya kelangan me baun akong papoori else bendetahan ko nang maligno ang mga tikbalang sa opisina.
balik tayo ki Obet, pinaglalaruan ko lang yang kebigan ko. mabait yan at uberly taken na yan nang kanyang mugandang gurpren. inaagaw ko sa gurpren nya, di ako manalo-nalo. susubukan kong daanin sa skrabol.
pero lam mo, di naman lahat nang seamanloloko, kundi ingu-ngudngud ko yong pangkin ko sa kinakalawang na onidoro u know. ung iba nga eh ga-gwapo. he he he! *kilig*
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 9:39 am
at NGA PLA, sya! SYA ang nagbitbit sa lola nyo sa BARTOLINA!
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 10:17 am
I agree with malen, most seaman (not all) are seaman-loloko…heheh, love dito - love doon - love dyan, naku ang daminig love!
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 1:54 pm
hey rieaane, sowee ha, nakikita ko nakakatatlo ka na palang comment hindi man lang kita na-welcome tulad ng pag-welcome ko, bilang unofficial GRO, kay malen.
at dahil i have to make it up to you, bibigyan kita ng isang special welcome ceremony. sige, chanoyu tayo. *abot ng teacup at kumukulong wooootah at teabag ng lipton hehehe. pasensya na at wala akong japanese tea dito eh* chanoyu pinoy style itu hehehe
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 10:00 pm
ngeeeeeek..sirena ka nga reynz…..bwhahahaahahahah— katuwa ka talaga hahahahahahah— i should have known earlier parekoy! ngengengengengehhhhh…..
anyways, tama ka -mahirap buhay ng seaman- pangkin ko din seaman eh- kaya alam ko takbo ng buhay ng pamilya nya= in terms of financial standing–minsan pagnatatagalan siya sa lupa ay nagkukumahog na yan na follow up ng susunod nyang sakay dahil lapit na matuyo ang katas ng huling pagsakay nya hahahah-ganun lyf ng seaman eh- one day millionaire kumbagah..
[reply this comment]
July 16th, 2007 at 10:35 pm
hehehe! bakit domOSB? ano ba akala mo? share mo naman! he he he!
malen said that she was actually thinking that I was a beauty queen.
AND I WAS!
I REALLY WAS!
Ako dati ang MUSE nang MANILA.
Me nagreklamo lang.
Aber nga - alamin kung sino tong malditang nag-reklamo!
[reply this comment]
July 17th, 2007 at 12:10 am
“Eto, tinititigan ko pa. Me formalin kaya to? Baka naman, abo lang to? Me kutob akong gawgaw to na binili lang sa talipapa nang Pasig. Wala na bang matinong pasalubong sa reyna?! Ayoko nang gawgaw!!!”
hahahaha you really make my day reynz… you’re hilarious!
seaman great lover? Nurse ako eh kaya kaming mga nurse ang papanigan ko… we know the anatomically correct trigger points of a woman hehehe…
[reply this comment]
July 17th, 2007 at 1:46 am
ei! bluep!
gusto mong gawgaw bluep?
oh? great lover din ba nurse? sigurado ka? baka naman sa tuktuk nang sigawan eh stetoskowp ang kelangan? di kaya? pero, ok ka. piktapos nang sigawan, ready ang oxygen. he he he!
trigger points of a woman? anoyon? explain in a powerpointpresenteyshun!
[reply this comment]
July 17th, 2007 at 5:29 pm
your highness, ang hirap naman jan sa work mo, insultuhan evah evah…ay naku, hirap mag survive sa ganyang atmosphere..nakaka drain..i’m pretty sure insekyurada ang mga yun sayo…kase naman ang galing galing mo…smart…cutie…funny…hehehhe, ayan ha, andaming bola nyan…hihihi
bea, thanks sa pag welcome. hehehe. accomodating kayo no? sosyal! yeah, i’m enjoying my time here, first time ko ngang nag visit I was literally glued na…I was expecting a beauty queen kase…yah know, may crown crown pa kase yung header ni royal highness e…turned out beauty king pala…wahahhahaha
from blue — “seaman great lover? Nurse ako eh kaya kaming mga nurse ang papanigan ko… we know the anatomically correct trigger points of a woman hehehe…
I’m not sure, pero somewhere yata may nabasa ako na si bluepanjeet eh ex-semenarista. am i right? or left?
[reply this comment]
July 17th, 2007 at 5:30 pm
*seminarista
[reply this comment]
July 17th, 2007 at 5:51 pm
hehehe! malen! tenkyu sa mga papooring ina-ani ko ngayon! *kumakaway na parang miss universe*
seminar nga yan si bluep, kaya mag-ingat ka, baka isumbong ka dun sa taas pag nagkamali ka nang tuldok!
naku! ang aking work ang impierno nang buhay ko! ewan ko ba kung anong kasalanan ko sa mundo’t pinaparusahan ako nang ganito! me mga kebigan naman akong seminar, di yata umuubra!
[reply this comment]