Happy berdey at ingat sa byahe ‘pare!
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
Sya si Obet, yong entertainer ni Matilda sa Discovery Suites. Sinigurado naman sakin ni Matilda na ibinalik nya si Obet na walang dagdag at walang kulang. Bespren ko lang talaga si Obet, peks man. Kahit itanong nyo sa mga engkanto dito.
Alam nyo naman, umuwi ang Matilda sa Pilipinas at tsi-nek nya yong kanyang babuyan. Gusto na nya kasing mag-retire sa Pilipinas. Dapat lang. Otsenta otso na sya. Dahil ayoko namang magmukha syang pokpok sa kalsada nang Metrowalk sa Ortigas, tinawagan ko ang aking mga kumpare na alagaan ang aking asawang si Matilda. Si Obet ang tinawagan ko. Pucha pag tumatawag ako, sila na lang yata ang customer na natitira sa BerdengSinturon, sa SilangangKahuyan at MetroLakad.
Dahil nag-enjoy ang asawa ko sa Ortigas, masayang masaya sya na binilhan nya ako nang pasalubong. Polboron. Ganun lang. Bwisit talaga. Hmmpt! !@#$%^&*~! Eto, tinititigan ko pa. Me formalin kaya to? Baka naman, abo lang to? Me kutob akong gawgaw to na binili lang sa talipapa nang Pasig. Wala na bang matinong pasalubong sa reyna?! Ayoko nang gawgaw!!!
Anyway, as usual, linggo ngayon. Medyo me kainitan sa labas, inayos ko ang palayang tinanim ko sa ilalim nang mga mums. Para nga di mapansin nang neighbors ko. Aba! Mahal na ang bigas ano!
Kumakalembang telepano ko! Aba! Si Obet!
Hello! Rainier! Paalis na ako!
Ha? Kelan?
Ngayong Byernes.
Masaya ang Obet of course, makakabyahe na naman sya. You see, Obet is a seaman. It’s with him, sa pangkin ko, at sa iba ko pang kebigan nalaman kung gano kahirap ang buhay nang isang seaman. Pilit nga nila akong isinasama. Para daw talagang tuluyan nang magkatoto ang aking pantasya. Ano? Wala akong pantasya! Sirena talaga ako!
Yong seaman pala goes on an average trip of 6-8 months and kung ma-extend, 10 months sa laot. That’s when they go on vacation. He’s been on vacation for roughly 6-7 months. Tagal ano? So, whatever savings you have, am sure tigok! Ganun ang nangyari sa pangkin ko. They even came to the Port of Baltimore. Binisita ko. Check ko yong barko. I thought ganito:

Siguro, one-fouth lang nyan. Nag-kwento pangkin ko. Mahirap daw pala magtrabaho. And I thought it was funny kung ano ang mga pinamili nya saakin. Chocolates, peanut butter, kung ano anong cookies, aspirin, aleve at kung ano ano pang gamot. Nagtaka tuloy ako. Ewan, siguro magtatayo sya nang botika. Dinalhan ko na rin nang sweaters. Palibhasa first timer ang pangkin ko, andun sya sa bottom nag-wowork. Napaka-init. Pinakilala nya ako sa Grekong kapitan. Magaling syang managalog. First word nya sakin - p*ta ina mo! Tawanan sila ever! Sinunda nang s*pot! Hagalpak ever na naman! Kunyari di ko alam - so - I said - where’d you learn those words? He said, oh! They teach me! Ganun. Ganun naman talaga tayong mga pinoy di ba? Anyway, bumaba nang barko ang pangkin ko. Aabutin nang almost 1 and 1/2 years bago makasakay uli. Ganun kahirap pala ang buhay nila.
This time, it’s Obet’s 2nd time. Di pa raw nya alam kung ano ang sasakyan nya. Ganito ba?

Kasi kung ano, eh di padadalhan kita nang salbabida. Hmm… medyo malaki naman pala dito nang konti. Matagal pa ang kwentuhan namin sa phone. Di ko na sasabihin. Amin na lang yon! He He He *kinikilig* Weeeeeee!!!!!
See RELATED NEWS:
RP Unable to meet demands for seafarers
Viewed 26 times by 12 viewers
























