Anak, mag-aral kang mabuti
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
Minamahal naming Anak,
Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin.
Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun. kasama din ang 7 thousand  dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag-ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo nag yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo.
Anak komportavle ka ba dyan sa boarding house mo, saan ba kamo yan sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan di ba mainit dyan? Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.
Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan.
Ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD  ka palagi kumakain ok ba naman sa yo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.
Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sa yo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal,
Itang at Inang
Source:
This was sent to me by a reqular here from Singapore, Sinag. And we both don’t know who wrote this kathang isip story. Kung sino ka man, send me an email so we could give you a standing ovary!!!
It’s interesting though, kahit na this could be one sarcasm, but honestly, this could be very true in some ways, di ba? Ok, by show of hands - aber! Sino senyo ang naloko nang mga pinag-aaral ninyo aber?! Magsabi kayo nang totoooo!!!
Popularity: 4% [?]
Viewed 97 times by 53 viewers

July 10th, 2007 at 1:09 am
sa awa po ng Diyos, hindi ko po na-experience yan. all my three siblings i sent to college did good. nakatapos naman po ng pag-aaral. meron nga po akong laude-laude eh hehehe. simula’t simula pa lang kasi, ganito na ang dialogue ko sa kanila: “kung balak lang ninyong maglakwatsa at magbulakbol habang nasa kolehiyo kayo, sabihin na lang ninyo sa akin. hindi ko kayo pipigilan. pero titigil kayo sa pag-aaral. tapos u have all the right para maglakwatsa. maglakwatsa kayo ng maglakwatsa habambuhay kung gusto ninyo. malalaki na kayo, alam na ninyo kung ano at tama at makabubuti sa inyo. and i am sure you are intelligent enough to discern those things for yourself.”
syempre, pagkatapos ng mga linyang yan, kasunod kong sinasabi ang “Bow” hehehehe. yun ang usapan namin, kung gusto maglakwatsa, eh di maglakwatsa sila. di ako magiging hadlang sa paglalakwatsa nila. pero kung pag-aaral ang pinili nila, sabi ko igagapang ko sila. and i did. bow. hahahaha
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 1:40 am
NAKUPOOO!!! ha ha ha! I wondah where Kuta is! I’m sure parehas ang dialogue ninyo! Eh maraming iginapang yong babaeng yon eh, di ba? Me nars, me doktok, actually baka pedeng mag-tayo nang kikay center yon. Ang maganda kong narinig parehas nang dramatic sermon mo, azan na kaya yon! HA HA HA
Ako, marami akong iginapang! Pucha! Mga walang silbi! *erase* *erase* *erase sa memory*
Pero ako, iginapang ko sarili. Ako’y nag-araro. Nagtinda nang kamoteng kahoy dun sa barrio siete. Tunay toooo!!! Nakapayong lang nga ako habang nag-aararo. At wala po kaming Nokia noon! Yong gamit namin yon bang lata na merong pagkahaba-habang pisi! Alam nyo yon? Yun ang cellphone namin.
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 1:55 am
grabe naman to funny pero me sundot dun sa mga balasubas na mga pinapag-aral… buti na lang mabait ako =)
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 2:08 am
totoo ito. marami sa mga kapitbahay namin ganito ang nangyari. tumanda na ang mga magulang sa ibang bansa as dh and constructn workers tapos walang nangyari sa mga anak. pagbalik d2 for ng mga magulang kayod kalabaw ulit. hay! kakalungkot. e ikaw mamita? musta mga pinapag aral mo?
ako balak ko ulit mag aral, baka gusto mo i-sponsor ako. hehe
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 3:08 am
pusa at joyjoy, ano fa nga ba! eh di walang nangyari sa mga pinag-aral namin! hangga ngayon puro may i asked money! kaya ngayon mga pinag-aaral nang mamita nyo mga boylets ko na lang. at least pinapaligaya ang lola nyo *eeeekkk!!! ano to? truth or consequence?!
eto nga! scoop! noong friday niyakag ako nang mga bwisit kong mga walang kwentang kaibigan na pumunta nang Oontog Bar. Nangawala-wala ako sa Philadelphia dahil kala ko bago tong bar na to. Kaso mo palibhasa puro nangopya sa high school ang mga to - eh BUMP bar pala ako pinapapunta nang mga ooogok!
anyway, while there, yong isang boypren ko sa manila tumawa, umutang nga. paiyak iyak pa drama nya. dumugo puso ko. hinablot ni bugsy ang telepano, pinagalitan in english si boylet. sabi ko, ba’t mo ininglis eh di nakakaintindi yon! sabi ni bugsy eh merkano ako eh! sabi - merkano ka nga tigas tigas pas bato ang tono mo!
tumawag uli, kelangan lang daw nya nang someone to hear his problem chuvalais. andun pa rin kami sa Ooontog Bar. nasapok ako ni Flip. In short, nagpadala ako nang anda kanina. Pucha! kinse oras na! kahit tawag wala na! kahit teks na naget anda wala!!! bakit ba tumawag pa ako ki chuva na nagsumbong! tuloy, pero teks mga bwisit kong kebigan, mura inabot ko! eto nga, nag-susumbong ako ki bea, pinoporward ko mga teks nang mga dwendi kong kebigan!
masama ba joy maging giving? hu hu hu! masama ba?!!!!
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 3:41 am
hehe, inang, malay mo walang panteks o pantawag lol.
pero malay mo rin, baka naman bisi bisihan na sya at nakaligtaan lang iteks ka
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 4:04 am
hmpt! ghandee, di na talaga ako uulit. peks man. tapos na ang mga ref buying chuvalais na yan!!!!
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 4:58 am
kaibigan, wag masyado mabait lalo na sa mga balasubas na nagongotong lang… i you deserve more than that…. hindi lahat ng awa eh charity…
buti na lang mabait akong anak at kahit naging pabigat akosa bulsa eh nakatapos ako….
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 5:15 am
Hay naku, wag mo ng ipa rewind ang aking mga state of the bulsa address ateng at mauubusan ka ng espasyo dine sa blog mo… Pero like Bea, lahat din sila nakatapos…isa lang ang palpak na bumalik sa lusak piktapos mka gradweyt ng engineering, hmp, kayang hanggang ngayon, silent treatment ang drama ng lola mo sa kanya, o davah???? Yung isang nursing student ko gagradweyt na sa March… meron na namang recent applicant (distant relative) pero one year ko pa lang pinag aaral nabuko ko na ang true colors kaya vavuh!
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 5:19 am
Nakow, walang mangyayari sa mga advise nyo key Reynz pagdating sa kanyang kagagahan sa pag gibsung gibsung! Ilang beses ko ng narinig ang “Di na ako uulit” sfeech ng bruhang yan… kaso short term lang ang memory nyan…bukas nakalimutan na naman ang kanyang mga framis sa sarili at may I gibsung agen, hmp!
Yaan nyo nga sya sa kagagahan nya, basta as a friend, make sure lang na may extra space kayo sa bahay para sa kanya sakaling ma homeless ang gagang yan!!!
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 5:42 am
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 7:06 am
hindi masama ang maging giving mamita basta alam mo when to stop.
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 8:05 am
Uyy pero aminin ha, kasi ako nong college (at least being honest) one way or the other eh nag papa sobra ako ng tuition fee hehe kada enrollment ng kada semester (declared ng konting ekek hehe) , don lang ako kumkita eh,pero d naman gaano kalaki,enough lang na medyo makabili ng isang bagay na gusto ko hehe, pero good boy naman kahit paano kasi tinupad ko naman pangarap nila na makapag tapos, pero yoko naman gayahin yong ginagawa na hinayupak na estudyante sa sulat sa kanyang inang at tatang nya, kaka-awa naman yon hehe.
Reyna, ok lang tumulong sa papables hehe kaso ikaw lang makakatantya kung serious sya don sa ilalapit sa iyo, pero malay mo busy lang don sa kailangan na asikasuhin na bngay mo anda, after non mag col na yon or sms sa iyo : )
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 1:40 pm
ako na lang ang giblabs mo! paliligayahin kita! hanggat gusto mo!
TAMA NA! TUMIGIL KA NA
*hindi ako ang nag type nong CAPS — si PARKER! po yon* lol
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 2:35 pm
Katatapos lang namin ng championship ng bowling…Bago ako nagpunta ekskayted ako kasi malaki ang pagasa ko na makuha ko ang Top Single award sa babae. Ekskayted ako kase bukod sa trophy, ngayon may 1k pesoses na. Last year kasi trophy lang, di ko naman maipa-erkon.
Masama ang laro ko pero ok lang ang score. 134 lang. Ang nakakadismaya, ang awarding gagawin next week pa…hay…kala ko may 1k na ako…wala lang…gipit lang kasi kaya kahit 1k lang pinagsusumikapan kong makuha…as in kailangan manalo para makuha ko sya…o diba ang hirap nun?
Eh next week nga, sales assembly kasi ng developer na nagpa-bowling din. Kaya binitin ang awarding para siguradong magpunta dun sa assembly. Ang galing mag blackmail noh? Parang blackmail diba?
Sa isang banda, talagang pupunta ako. May theme kasi yung sales assembly na yun. Filipiniana. Sa mga nakaraang assembly, may ilang pinagpipilian kung sino mananalo ng best costume. So, ganon din sa martes. Eh may attire na ako. Yung pinangsayaw ko ng Tinikling o kaya Sayaw sa Bangko. O diva, may chance pa akong manalo ng 1k uli.
May isa pang contest. Sayaw. Dun din. Pero di ako sumali. 5k yun pero hati-hatiin kung ilan ang kasali. Sila nalang. Di ko linya yun eh. Napipilitan lang ako kasi performance sa church yun. Iba ang sarap ng sayaw na yun kahit walang premyong pera yun. Hindi nababayaran yun.
Inang, kung ako sa yo, ibigay mo sa akin pambili mo ng mga ref. Ibabayad natin sa bahay mo. Pag nagbabayad ka na ng bahay, may dahilan ka na sa kanila na wag sila bigyan. Hindi mo malilimutan yung pramis mo kasi may iba ka ng binabayaran.
[reply this comment]
July 10th, 2007 at 11:06 pm
kuta! diwa! joy2, bluep at ghandee! ayan! napagalitan na naman ako nang kuta!
eto talaga!
talagang talaga na!
*nagdadasal sa harap nang kawayan*
laz na to talaga.
di na uulit
PEKS MAN!
hu hu hu!
[reply this comment]
July 11th, 2007 at 12:56 am
ang ganda ng header mo mamita. sino ang gumawa?
[reply this comment]
July 11th, 2007 at 1:13 am
joy2! si bleup ang gumawa! he he he! finally! napalitan ang korona kong latang darigold! parang gusto kong isanla kaya lang mahirap mawalan nang korona dito!!!
ang galing galing nang bluep! bespren na bespren ko sya! sasambahin ko sya hanggang sa susunod nang pagpalit nang blog template! ehe! sa dulo nang walang hagdanan pala!
ambaibait nyaaaaaaa!!!
kaya tuloy mapipilitan akong ibayad sa kanya yong anak kong si JC!
he he he!
[reply this comment]
July 11th, 2007 at 1:27 am
ganda naman ng header mo inang.
blueP, bespren tayu diba? hahaha.
hala, ipambabayad na si JC!
[reply this comment]
July 11th, 2007 at 1:42 am
hahaha salbahe ko.. ipinambayad ba si JC hahaha.
reynz familiar ba sayo building nayan… nahirapan ako makahagilap ng tamang shots nyan…
buti na langmagalingako “magnakaw ng picture ng iba” hahahaha pag nakulong ako ikaw tutubos saken ha LOL
@ghandee - yep bespren tayo… basta sabihin lang ng mga diwata ang request auz lang bsta tell me the design and specs… i’ll do the rest. sige got to get back to my review…
reynz isasanla ba? hahaha. Gandang umaga po!
[reply this comment]
July 11th, 2007 at 2:08 am
bluep! tenkyo forever! i swear pambabayad ko si JC. pinag-aaral ko lang para quality ba ang bayad ko. he he he
oo familiar na familiar! kaya nga nag-titili ako! as in yan ang aming CITY HELL!!! ha ha ha!
in fairness ang aming City Hell ang the most beautifool City Hell sa US ano? Ang galing galing mo maging depektib!
[reply this comment]
July 11th, 2007 at 3:04 am
teka, namiss ko yun ah!!!! REYNA - hindi puedeng ipambayad si JC!!!!!!!!!!!! Pinagaral ko yan sa Catholic School and pinaturuan ko ng moral sa mga madre.. tapos, ibebenta mo ng ganyan ganyan lang.. at kay bluep pa?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ako na lang - libre pa.
[reply this comment]
July 18th, 2007 at 4:15 am
NA-MIZ ko yata too! Chuva! Ikaw na lang ipambayad ko ki bluep dahil nga ayaw ni JC eh!
[reply this comment]