Crazy Boss… – www.reynaelena.com
Hay naku, sa lahat nang problemang we face everyday of our lives sa trabaho, mga bwisit na customers, sandamakal at walang kahumpa-humpang trabaho, telepanong nakakairitang pakinggan ang walang humpay na pag-ring –sa totoo lang, what is the one that drains sa lahat nang energy pati na kaligayahan sa buhay mo’t pagdating mo sa bahay mo eh, yong walang kamalay malay na syota o asawa mo, eh biglang nabubulyawan mo, aber?
The answer? A difficult boss di ba? Or ang tawag nami sa site na to eh si Doreen, a “crazy boss”.
Yung classic na buang na boss is a bully, mina-maliit ka, ini-insulto ka, control maniac, insecure, micromanaging to the bones, o kaya paranoid. Sa totoo lang, anong klaseng boss ang nasa opisina mo? Yong mukha na nakikita mo sa araw araw na ginawa nang juice?
Kilala nyo na ang aking former boss, di ba? He’s probably the best ever na panalangin ko eh me kasunod pang gwapong kagaya nyang ambait-bait.
Ngayon? Ang management mantra nitong bwisit na to eh para bang “it’s either my way or the highway!”. Tingnan nyo na lang, on call ako isang sabado, na-aksidente ako on my way to work. Siguro kung nasa Princeton pa ako, baka binilhan ako nang bagong kotse. Sya? Kahit nasave ko ang ass nila nang millions of dollar, yong kakarampot na $500 compared sa nagawa ko, di binigay dahil daw hindi sya business expense. P**A ~~bleep talaga! (ayan ha? nag-bleep ako!)
Meron pa syang pinagawa sakin na against sa AICPA rules. Nag-away kami. I insisted na tama yong alam ko, coupled with an AICPA statement. Di umubra. Dinaan ako sa temper tantrum executive decision. Ginawa ko yong pinagawa nya, pero super galit ako. Nawala ang galit ko when the auditors decided in my favor. Napahiya ang gagita, di man lang nag-sorry. (Post ko story in the next few days).
Maraming pinaiyak to dito sa opis. Mamaliiitin ka nito. Takot dito mga kaopisina ko. It’s insane, pero nag-seselebrate sa opis pag wala ang kaluluwa nito. The worst management problem ko dito eh ayaw payagan yong mga staff ko na mag-training. Di ko talaga ma-get kung saan galing ang utak nito. Kulang ang blog na to pag kinuwento ko lahat.
Now it is your turn to share your stories. Who knows, baka malaman nating magkakapatid ang mga salbaheng to!
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 2 comments… read them below or add one }
Count your blessings, Inang…imagine, tumagal ka pa!
[Reply]
c5, eh kasi mahirap maghanap nang malilipatan! eh kung me mag-hire lang nga sakin sa menila eh dun na lang ako!
[Reply]