Ang aming katulong

by Rainier on May 20, 2007

Do you remember this blog article I posted on January 2, 2007? Well, this is not only a re-post, but an update as well. Why? Ganito kasi. Kwento ko na lang. So, where were we? Ang last naming katulong sa condo is Aling Delia, right? Sya is Katulong D. Enter Katulong E.

KATULONG E: Si Jeera

Yong relatives nang brother in law ko sa Novaliches sent this young girl. Nakapag-college sya, so she could speak a little bit of English which is what my niece is looking for, kasi nga most of our former katulongs have no freaking idea how to speak English. So, parati silang sign language nang aking niece. It must be very difficult on the part of my niece because she would cry on the phone at that time because she would not understand the maid and the maid don’t understand her either. Nag kulay green na lang yong uniform nya, akala pa rin nang maid, she was doing a good job. So, ayun, if you read the story below, dinispatsa namin si Aling Delia.

Enter Jeera.

Jeera, as is usual with most of our new maids, always starts out nice, formal, magalang, matino and every available nice ang good adjectives out there are applicable lahat sa kanya. My niece, obviously was in her high spirits because finally, she found someone that she can talk to, although hirap pa rin daw, but it was good enough for her. She was really nice and so far, we didn’t have any problem with her. There was the occasional pautang muna, pa-advance muna, we never mind that at all.

It all started when she would spend a weekend in Novaliches. You see, weekends are her off days and she can go anywhere she wants. Apparently, she prefers to stay with some relatives back in Novaliches. She’d borrow my nieces’ backpack and off she went.

Lately though, they noticed that every weekend when Jeera leaves the condo, apparently the backpack is, I mean, PACKED to the hilts! No one really took noticed, although, it has always been in the back of everyone’s mind. Then one time, my sister was looking for my niece’s clothes, one particular dress that she couldn’t find. She begun to suspect. As is usual with our maid, she borrowed my niece’s backpack, again – it was packed, ready to explode. Then it clicked!

They called the guard to stop the maid at the gate. Checked the backpack. True enough! Merchandise! Merchandise! Merchandise! Inside the backpack. They were going to ask the maid to open the box. They just stared at her and decided to just allow the maid to have everything. They decided to let go and not open the box. She must have gotten dozens and dozens of my nieces clothes because my niece is already about her size almost. Who knows what else she stole from my condo? My books? My CD’s? My DVD’s? My kitchenwares? I will find out when I go home.

For Jeera, that was her last day.

I hope and I pray the best for her. No hard feelings, be good – your might run into some crazy employers.

 

THIS ARTICLE WAS ORIGINALLY POSTED ON JANUARY 2, 2007

BACKGROUND 

Kwentuhan kami nang prend ko kahapon… saan pa di sa Starbucks! He He He. Ask nya me why I lab PI. But of course, kahit na nga ang hirap hirap todits, one of the things na diniskas ko complete with powerpoint presentation eh yung hirap nang buhay sa amerika kasi wala kaming katulong.

Pero, sa totoo lang, it’s not really comparable. Aktwali, sa merika – hindi mo kelangan nang katulong unless na ang pangalan mo eh kegaya nang putang si Paris Hilton. Kasi nga, most of the bahay en the yuesey were built to be functional. Simpleng gumalaw sa kusina, simpleng maglinis with all the sucky sucky bakyum chuva at kung ano ano pa.

En da pilipins, indi eh. Kelangan mo katulong kasi, the whole setup nang balay eh talagang dysfunctional! Oldow, yong mga bagong condo ngayon medyo easy na sya. Me mga konting functionality na.

Dyan napunta ang aking blog topic for today… tungkol sa aming mga naging katulong.

KATULONG A:

Type ko yong dati naming katulong. Sia si Key-Ey. Si Key-Ey eh bata pa, maganda, mga benti-uno anyos. Magandang bata sya, istariray, maganda manumit dahil hindi naman naming pinag-uuniform ang katulong namin. Galit ako sa kagaguhang patakaran na yon na kelangan, magmuka kang kumadruna para magking atsay nang kung sino pa man. Sakin eh fair. Aktwali, medyo nasobrahan nga tong si Key-Ey kasi ako ang nagmumukhang katulong. Ok lang. Para saakin kasi, medyo demeaning yong oniporme.

Daming sikyo dito sa condo na naloloka sa kanya. Tinuruan ko sya nang mga natutunan ko sa business school, kung pano magkapera sa kanila. Kaya ayon, nahu-huthutan nya nang load ang mga nangu-ngursunada sa kanya. He He He Ang galing ko diba? At pag me load na sya! Sisigaw sya nang Reynzzzz! Saksiiisssss!!!!

Enjoy ako ki Key-Ey. Malinis sa bahay, masipag talaga, nagkakausap kami nang mga kagaguhan, katimagang at kapranigan at minsan sumusurender sya sa sakit nang tyan. Tinuturuan ko sya kung pano mag diga ang mga lalaki, para lang makamit nang mga lalaki ang kanyang birhen na alkansya.

Me konting anomalya lamang. Etong si Key-Ey eh medyo mahilig sa lalaki. Tatlo ang boypren nya. Kaya, tatlo ang SIM card nya. Ganun pala dito sa menila. Organized.

Napapansin ko, palaki nang palaki ang PLDT bills ko. Average bills naming eh Php3k, aba, nag-start ang mga binabayaran ko sa Php7k o kaya Php8k. Mabait ako sa katulong naming kaya duda ko, she took that opportunity. Minsan, nakipag-break sa isang boypren. Mainit ang ulo nang gaga. Yong month na nakipagbreak sya, umabot ang phone bills ko nang Php12k. Ilang beses syang na-warningan. Sa galit nang aking sis, chinugi sya!

KATULONG B:

Ang pumalit sa kanya eh si Key-Bee. Eto naming si Key-Bee eh galing nang Novaliches. Ang ina-aruga daw nyang bata eh lima. Dalwa sa batang yan eh sitenta anyos na. Ulyanin na siguro, tama nga naman. Nung malaman na iisang bata lang ang aasikasuhin nya at kami eh tiga-Ortigas, aba! Nagpaalam lang daw na manonood nang sine at di na binalikan yong employer nya! Hmmm….

Masipag din si Key-Bee. Magaling din syang magluto. Me anomalya nga lamang. Hindi sya marunong mag-inglis. Eh kasi ang aking pangkin kasi is American born na dito lang nag-aaral in the meantime sa International School. Di sila magkaintindihan nang aking pangkin. One time, me uniform ang aking pangkin na gagamitin in the morning. Nilagyan nang sign nang pangkin ko na “Do not wash” – aba isinama sa nilabhan. Di nagalit ang aking sis. Iyak ang aking niece.

Hirap sya dahil sa communication. Hirap din ang pangkin ko kasi di pa sya knowing nang talagog. Yon lang naman actually ang problema, so exit sya.

KATULONG C: 

Katulong C keym promdi prabins. Bata din sya. Mahirap. Kaso, eto naman ang anomalya nang isang to. Lahat na yata nang miembro nang pamilya nya eh parating na-oospital, kaya puro advance ang nangyari nang sweldo, negative na sya. As in, di pa nagsisimula, inu-utang na yong 13th month pay.

Worst, nag-pyesta sa bayan nila. Umuwi nang biglaan. Me sakit daw ang Nanay. Back in the province, ang nalaman namin na nakipagtunggaan ang gurl dun sa kanila. Ang loka at lasenggera pala!

Nadali daw nang bacterial meningitis. Instead na dalhin daw sa ospital, pinag-sasapak nang albularyo, until it was too late. Nung dinala sa ospital, ala na sya. Kawawa naman. Ngayon? Kami pinag-initan nang madir. Reason: yong bacterial meningitis daw wh nakuha sa condo namin. 

Pinapakain daw naming nang flurwax. 24 hours daw ang trabahu, walang pahinga, at kami eh parang mga arabu, etc., blah, blah, blah. In the end nang kakataray nang nanay, me presyo pala. Malaki. Kumuha tuloy kami nang lawyer dahil dina namin gusto ang accusation. Humanda kami sa gagawin nang nanay. Ayun, sumilencio.

KATULONG D: Si Delia

Dito dumating si Aling Delia. Me katandaan na si Aling Delia. Di sya marunong magluto at ang medyo me katigasan ang ulo. Gurang na eh! 

Eto sampol nang insidenteng nadanas ko habang ako’y andito:

Ilang beses ko nang sinasabi na pagka nagluto ka, paki-on nang exhaust para higupin ang usok at amoy. Takot siguro na pati sya eh mahigup, ayaw gamitin!

Nagpirito sya nang pla-pla. Nakita ko nong natapos mag-prito, yong mantika, nilagyan nya nang isang kaban na bawang. Aba? Ano kaya susunod nito. Ekkkkk! Nilunod yong isang platitong kanin sa isang dram nang pinaglutuang oil! Ano?! Kakain ako nyan?!

Me washing machine naman kaming tunay. Whirlpool ang binili ko kasi ayoko ko nga nong plastic. Inilagay ko na sa washing machine yong mga lalabhan ko. Nong pinasok ko sa banyo? Aba! Ang kulang na lang sa picture na to eh isang kalabaw para mukhang batis na sya! Kinukusot kusot nyang pakanta kanta. Pinipiga na nag mistulang abaca handicraft yong nilabahan. Wala lang syang palu-palu! Result? Yong da-dalwang teesirt ko, ginawa nyang palda! Yong aking underwear na small, nagging extra-extra-large-large!

Yong kapatid ko humahagikhik na lang. Ako? Umuusok nguso ko, nagkaka-fog na dito sa development namin.

Ang alam ko, day-off nya nang Sabado. Minsan, Linggo pa nga, nakaday-off sya. Pero, I noticed na minsan, alas dies, pag ala ang sister ko, nawawala. Babalik sa condo mga alak kuwatro. “Andyan naba?” tanong nya sakin. Hinahanap nya sister ko. Yun pala, pumipila sya sa wawawi! Kaya pala ang tawag sa kanya here is Miss Wawawi. Di lang yun ang pinupuntahan nya. Pati kung ano anong show sa Araneta napasukan na nya!

Pero sa lahat nang anomalyang daladala nya, eto ang talagang pinag-iinitan ko. Eto ang powder room namin sa condo.

”cr1.jpg”

”cr2.jpg”

Dyan ko sa tabi ino-organize lahat nang aming pampaganda.

”cr4 003.jpg”

Ayan ha? Nakita nyon naman akong mag-ayos. Ako po ang naglinis at nag-ayos nyan.

”cr4 004.jpg”

Eto palang si Aling Delia eh, mahilig magpulbos, mag-leaftik at mag-make-up. Matutulog na lang, inaayos pa ang make-up at mag-pupulbos pa. Sakali man daw na machugi sya, eh redi na ang ayos nya. Yong powder room ko tuloy nagmistulang me drug adik na sumisipsip nang heroin! Ni indi man lang punasan! Eto ang kanyang pitakang pinaglalagyan nang kanyang make-up at yan ang kanyang pulbos. 

”cr4 001.jpg”

Titigan nyo sya mga anak! Titigann nyoooo!!!

”cr4 002.jpg”

Me ugali akong ayokong me makita sa ibabaw nitong mesang tong dito. Gusto ko malinis yan, so ang ginagawa ko, yang anik-anik nya nilalagay ko’t ino-organize dun sa dapat nyang paglagyan. Ngayon, pag-gising ko sa umaga, makikita ko naman syang ganito uli! Eeeeeeeeeeeeeeee!

YONG LABABO:

Ganun din ang ugali nya sa kusina. Ganun din ang ugali ko sa kusina! Akala mo mga daga’t pusa kami! Aalisin ko’t lilinisin, ibabalik at ibabalik nang tigasing Delyang to! 

Ayoko talagang makita ang kung ano anong sandamakal na whatever sa ibabaw nang kitchen at pati na lababo namin. Gusto ko walang nakalagay dyan. Kaya nga me tinatawag na cabinet. Inimbento yang cabinet na yan for that purpose.

Everyday, nakahilira tong mga panlinis na to. Nakikita nyo ba? Tipo bang ”Lalaban ka? Eto ako! Redi para sayo!”

Isa pa yan sa alitan namin. Ina-alis ko yan, at tinatago ko sa loob nang mga cabinet at ilalabas ko lang pag gagamitin. Sya naman, kina-umagahan, makikita ko na naman syang ilalabas at aayusing nakahilirang ganyan!

”cr4.jpg”

EEEEEEHHHH!!!! Diwaaaa! Azan ka pag kelangan kita?! Hu Hu Hu DIWAAAAAAA!!!!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

Giving is receiving |
September 26, 2007 at 6:54 am

{ 37 comments… read them below or add one }

diwatangbyaning January 3, 2007 at 7:36 pm

Ati??? tinatawag mo ba aku ati??? Naman i hire mo ko kasi! Ganda naman ng balay mo jan sa Ortigas! Natatawa ako sa Johnson’s baby powder ni Delia eh talaga naman ang pitaka balat pa ng tigre..bawal yan sana hindi yan makita ng mga taga PETA!!!!!!

[Reply]

diwatangbyaning January 3, 2007 at 8:57 pm

Parang ayaw ko na yata! lolz

Pinapakain daw naming nang flurwax. 24 hours daw ang trabahu, walang pahinga, at kami eh parang mga arabu, etc., blah, blah, blah. In the end nang kakataray nang nanay, me presyo pala. Malaki. Kumuha tuloy kami nang lawyer dahil dina namin gusto ang accusation. Humanda kami sa gagawin nang nanay. Ayun, sumilencio.

[Reply]

reyna elena January 3, 2007 at 9:39 pm

mabait kami sa katulong noh? eh tingnan mo nga to si miss wawawi, ni hindi namin sinisita… eto lang nga, para kaming pusa’t daga… he he he

[Reply]

momnibochok January 4, 2007 at 9:51 am

Hay naku mga kafatid yan ang dilemna ko ngayon yung mga longkatuts ko in and out dito sa bahay. Meron dati cry everynight naku sister inubo tapos may red output ngeeeekkkk yung mga junakis ko… pna-xray ko susme me tama ang baga, yung dati ko namang yaya matagal na dito pero kumati ayun sumama sa papa, tapos meron ako ngayon kasama dito 3 sila, yung isa si Nyora kasi parang senyora kulang na lang pati ako utusan, yung isa si Buday naku super pasaway, imagine mo naglilinis ng floor muntik na magka kulani kasi yung celfon nya nakatutok sa tenga hay susme, tapos yung si Duday naman ok masipag, kaya lang yung ermats din ang pasaway as may I call dito na ask daw money sa akin kasi ala silang fud, at mga kafatid 14 silang magkakapatid sya lang ang working, hmmmm patayo kaya ako ng bahay ampunan

[Reply]

reyna elena January 4, 2007 at 11:44 pm

momnibochok, kakatuwa in some ways diva? he he he karon ko lang nalaman na tong katulong namin pala eh hostess nong panahon! HA HA HA gina-pagmayabang nya sakin da otha day kasi, mega-ask ko sya, y u makeup lifstik b4 y bed? eh yun nga raw, kelangan daw parati daw maganda sya. And lintek! at tinalu lahat nang pambansang bading sa mundo!

today, tinuruan ko gumamit nang wasing masin. di nya pala knowing. akala nya dekoreyshun lang yun na pag kulang ang koryente namin, tsaka pa-aandarin.

[Reply]

bea January 5, 2007 at 2:12 am

nung 1989 me nakilala akong kasambahay na underage pa. pero in fairness, mahal na reyna, wala kayong masasabi sa kanya.mabait.masipag.hindi malikot ang kamay and to the highest level and honesty niya.marunong mag-alaga ng bata.at higit sa lahat ay may interes mag-aral kaya siya naman ay pinag-aral ng kanyang mga amo na relativos din niya.so wa siya sweldo. basta may pamasahe siya papunta skul hafing-hafi na siya. ang tanging pintas lang ay hindi siya marunong magluto.anyweiz, ang pagluluto ay sinasalo naman ng isa pang katulong sa bahay na iyon.sa madali’t sabi, nakatapos ang katulong na iyon ng hi-skul at nakapag-kolehiyo.ambisyosa eh! at pinili pang mag-ketolik skul.can’t afford ang amo niya to send her to kolehiyo more so sa ketolik skul so hinarana nireng kasambahay na ito ang isang opisina at naawa naman sa kanya.hayun,pinag-aral siya ng opisinang yun with 1000K stipend hehehehe. hindi pa kasyang pambili ng books at pamasahe so hindi siya umalis sa mga amo niya.yung mga amo niya ang namamasahe sa kanya.sa ngayon, ang kasambahay na yun ay may trabaho na sa awa ni Lord. and by the way, bea ang pangalan niya hehehehehehe

by the way, mahal na reyna, kaganda naman pala ng iyong mansyones! powder room na powder room pa lang ay bonggayceous na! kelan kaya ako mananalo sa lotto at magkakaroon ng ganyang powder room?Lord, sana ay maraming bumili sa tindahang pinagawa ko para naman medyo kumapal ang bulsa namin ng inay ko at makapagpagawa na ako ng powder room na tulad ng kay reyna hehehehehehe

[Reply]

diwatangbyaning January 5, 2007 at 3:10 am

Bea saludo ako sayo! Hmmmft mangiyak ngiyak,mangilid ngilid luha kong bruha ka! Ha ha ha…Sabi ko na nga bah eh yong storya mo habang binabasa ko eh parang napanood ko sa wowowee nong isang buwan!!!

[Reply]

bea January 5, 2007 at 4:50 am

diwa, di po ako yung nasa wawawi hehehehe. pero trulili ang kwento kong iyan. yan po ang kwento ng mahal kong buhey kaya at hindi ko po iyan ikinahihiya. sabi nga sa akin ni kuta, di ako dapat mahiya kasi mga thieves lang ang dapat mahiya. eh ako naman ay nagserbisyong totoo nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan sa isip, sa salita at sa gawa hehehehehe

[Reply]

Reyna Elena January 5, 2007 at 5:08 am

bea naman! na-guilty ako! waaa! huwaa! HUWAAAA!!! alam mo naman! mahal ka nang reyna! wala po akong subliminal messages sa mga katulong. eto lang talagang katulong namin eh dati palang pokpok to eh! ha ha ha! chuchugihin na sya nang sistah ko kasi dami nyang problema! besides di sya kasundo nang pangkin ko. hahanap kami nang little bea. i’m sure makikita din namin yon!

naku! yong powder room namin?! litrato lang maganda yun! siempre reyna ako ano. tska pag naging supercenter yang sarisari store me, wa na panlaban powder room ko! ikaw pa! saksis stori ka ata!

[Reply]

bea January 5, 2007 at 10:06 am

mahal na reyna, wag ka po ma-guilty. talaga lang po na ganun, may mga kasambahay talaga na medyo may kapalpakan din. may kasambahay ako ngayon, isa. syempre hindi niya ako malinlang sa trabaho ‘no, aba eh dating kasambahay din ang ati bia niya eh. heto naman ang problema ko sa kanya:nagpaalam mag-day off ng sunday. so payag naman ako kasi nung panahon ko yata bilang kasambahay ay hindi pa uso ang day off na yan.wala pang ingay noon tungkol sa mga rights naming mga kasambahay. lunes, wala pa rin siya.martes, wa pa rin.wednesday, wa pa rin.thursday, hay dumating din. ganun,5 days ang day off niya. she did it thrice at hindi pa ako nadala hehehe. nag-offer pa akong papasukin siya sa skul. kaso not interested eh. haaay…

natawa ako sa supercenter, mahal na reyna. ay sus, eh kakapiranggot lang yung tindahan ko eh.pero nung andun ako nung Pasko, maraming bumibili.siguro nangabighani lang yata sila sa byuti ng tinderang si ako hehehe

[Reply]

momnibochok January 5, 2007 at 10:49 am

Uy sister Bea, iba naman nung unang panahon at saludo ako sa iyo alam mo ba na pareho lang tayo ng life story, ako naman dun sa mga kamag-anak ko lahat sila pinagsisilbihan ko kapalit ng aking pag-aaral, nung di na nila ako kayang paaralin fly ako sa Menila work ako as Beauty Consultant tapos nakita nung company na may background ako as Sexytary ayun kinuha ako until dun na nag-umpisa ang aking hinahanap na career, working ako by day tapos study sa gabi. Nung time natin we work kasi may ambisyon tayo, ngayon yung mga katulong they work kasi wala silang pambili ng load, tapos nun day-off tayo kasi gusto nating magpahinga, ngayon sila day-off kasi meet nila yung ka eye-ball nila and ka-text nilang fafa.

[Reply]

diwatangbyaning January 5, 2007 at 3:30 pm

Tita bea eh di musmos ka pa nong nag simula kang maging kasambahay?..

Naalala ko ang aming kasambahay noong bata pa ako nasa kindergarten o grade 1 ako noon hindi pa ako marunong magsumbong noon at di pa ako maldita noon ewan ko ba,takot lang talaga ako siguro sa kasambahay namin noon na si Gingging. Hindi ko naaalalang binugbog nya ako pero takot ako sa kanya as in. Tinatakot nya ako sa mga multo at kung anik anik. Pag ayaw kong matulog sa tanghali ilalabas nya ang pix ng mga putol na paa at kung ano ano pang pix na nakakatakot at nakakadire pramis para isara ko mata ko. Kaya tignan nyo na lang ang kinalabasan ko ngayon he he he..

Kaya naman nong pinalayas sya ng nanay ko eh parang nag pyesta ako noon masayang masaya ako at wala na sya at wala nang mananakot sa akin!!!!! Parang binunutan ako ng tinik sa dibdib *lalim non ah* . Napansin din ng nanay ko na parang naging nerbyosa ako non imagine batang nerbyosa….

After nyan hindi na ako nagpa intimidate. Naunahan ako ni Gingging sa sindakan. Reynz kung may Doreen may Gingging din lol.

[Reply]

bea January 6, 2007 at 2:05 am

momnibotchok, aba at pareho pala tayo ng kapalaran. pero nakakatuwa, di ba? kapag naisip mo yung pinagdaanan mo, parang iisipin mo, “nakaya ko yun?”. naku, tama ka, nung time na yun i worked hard and i studied hard kasi gusto ko pati mga kapatid ko makapag-aral din lalo na lahat sila interesado rin mag-aral tulad ko. pero i know na meron pa ring mga kasambahay ngayon ang nagsisikap para mapabuti ang buhay nila at ng kanilang pamilya, nangangarap na makapag-aral. siguro iilan na lang sila kaya hindi natin makita hehehe. endangered species na hehehe. pati si reyna at ang sistah niya hinahanap din sila hehehe

diwa, opo, bata pa ako, i was 13 po. pagkaluwas ko ng menila, diretso na ako sa aking relativos na nagpatira sa akin dito sa lungsod na ire. pers year hi-skul po ako.maitim.kulot ang buhok.madaling mahilo sa jeep hehehehe. isang kanto pa lang ag byahe ng jeep, throw up na ako hehehe.palibhasa kasi,pedicab at traysikol lang ang nasasakyan ko sa aking prabins, di sanay sa jeep ang byuti ko. naku, diwa, e bakit naman ganun ang ginawa sa ‘yo nung kasambahay ninyo? e masama iyon sa bata. totoo ka, talagang magiging nerbyosa kang bata kung ganun ang yaya mo. mabuti na lang at gumawa ng aksyon si nanay mo. pero sosyales kang bata, imagine meron kang yaya.

[Reply]

diwatangbyaning January 6, 2007 at 7:36 am

Hindi ko sya yaya.. All around sya isa syang TIGA..lol linis,alaga,luto at takot! hehehe…Lintek hindi ko malilimutan si Gingging as in.

Pang MMK ang storya mo Tita B!!! he he he…

[Reply]

bea January 8, 2007 at 1:06 am

Naku, hindi naman, Diwa. Ordinaryo lang ang kwento ng buhay ko kasi marami sa atin ang may kwentong ganun. Si momnibochok ganun nga din. I guess God had to make me experience all those things to keep my feet on the ground. Those things always remind me of who I really am and how blessed I am in so many ways. Subukin mo ng kalimutan ang mga ginawa ni Gingging hehehehe. Baka sa tuwing naalala mo siya ay nakakagat niya dila niya o nadadapa siya, kawawa naman hehehe.

[Reply]

momnibochok January 8, 2007 at 7:39 am

Hay naku sister Diwa, sigurado ko yung si Gingging eh matagal nagsisisi sa mga pinag-gagawa nya sa iyo kasi siguro by this time eh may mga junakis na sya at nakarma sya of di kaya eh nakakuha sya ng alagang little rascal ay chukchak sya dun hehehe, maiba ako mga Mare kayo ba eh mga taga-saan kyuryos lang baga, ako ala eh taga dun ako sa may amin, na lumuwas ng menila nagpaka pagod mag work at nagpaka sosyal ng konti sa Makati tapos na meet si fafa, ayun bumigay kaya eto taga alaga ng mga junakis.

[Reply]

reyna elena January 8, 2007 at 11:01 am

momnibochok… lam mo bang na-meet ko si diwa dito sa blog? dito ko rin na meet si chuva at si flip. mga tiga-rito lang ang mga yan sa paligid nang aking kareynahan. sana mameet namin si kuta, si kitty at si cath… puro yata kuting ang mga to. hmm….

si fafa ba ang megawork lang sa balay mo? duda ko, gwaping ang fafa mo, eh ang cucute nang mga junakis mo day! perfect moon yata nong ginawa ninyo! flawless! yong haligi ba nang kama bali-bali?

[Reply]

c5 January 8, 2007 at 10:10 pm

Naalala ko nung bata pa ako at napupuno pa ang ref namin, may 2 kaming kasama sa bahay na supposedly katulong. Eh ang mama at papa disciplinarian, ayaw na lumaki kami walang alam, so kami mga anak naglilinis, nagliligpit, nagluluto. Yung katulong, tagalaba lang yung isa, tapos yung isa e bantay sa tindahan na bantay-salakay! May tindahan kami ng banana-Q at kamote-Q, turon at lumpia noon sa may talipapa sa Imelda Ave. sa may Guadalupe (iba na pala itsura nun ngayon!). Ang dami nasasasayang na kanin noon. Saing ng sandamakmak yung tagalaba, pag di naubos, tapon!

One day, nagparang amo itong labandera, sinagot ng pabalang-balang ang mama ko. Nagpanting ang tenga, pinalayas. Pati si Magna, pinaalis na rin. Hay salamat, nabawasan ang pinapakain na wala namang silbi. Mga 3 months later nabalitaan namin pumunta sa mga kamag-anak namin sa Gapo at dun naghasik ng lagim. Tapos si labandera naka-hook ng sundalo, kaso 1 yr lang natigok. Andun din pala si bantay-salakay! Aba, sila na pala! Tibo pala! Di kaya dun palang sa house namin e ganon na? Masyado naive ang family ko e. Giving the benefit of the doubt lagi.

[Reply]

diwatangbyaning January 8, 2007 at 11:19 pm

hmm that was hot c5 ha lesbian aksyon pala sila sa gabi ahihihihihihi……….

[Reply]

c5 January 8, 2007 at 11:46 pm

na-realize lang namin after so many years!

[Reply]

diwatangbyaning January 9, 2007 at 3:22 am

Malamang mala brokeback mountain ang isturya nila! he he he..

Siguro sa bahay nyo pa lang mag-un na sila… O kaya naman na bored nag experiment hayun..na tibo na,natuluyan.. Kasi naman hindi nyo ata pinapayagan manuod ng tv ayan na bored siguro humanap ng outlet..ahihhii..kinikeleg ako lol

[Reply]

c5 January 9, 2007 at 4:51 am

nag-iinit ka sa sarili mong imagination ha… :D

[Reply]

momnibochok January 9, 2007 at 9:29 am

Ayyyyy, grabe yan mga kafatid naku kelangan pala check ko itong mga angels ko kasi baka sila na, ayyyy tatlo sila o_ _ _, Uy Mahal na Reyna, di naman kagwapuhan si Fafa syempre para sa akin gwapo sya, check nyo yung blog ko andun pictures namin, dati kaming payat ha (hehehe)

[Reply]

Reyna Elena January 9, 2007 at 9:36 am

anobang nangyarari sa site nimo day?! di ko gyud ma-aksis!!! tinago ba nimo ang yong fafa??? eggcited pa mandin akong makita… unsa ma ni oy!!!

si diwa nawawala na sa diwa nya! brokeback mountain?! di ko mapicture out yong mga byaning sa brukbak no? he he he

yang mga angels mo mom eh wapo. wag mong ilapit sa mga pari. ehe! sori. i mean… a basta! ilayo mo sa simbahan! ekkkkk! tama ba yon?!

*santa maryas santo maryos patawarin nyo po ko*

[Reply]

c5 January 9, 2007 at 9:51 am

oo nga, check ko rin pero di ma-reach…sayang…

di ko rin alam yung brokeback…narinig ko lang, di ko pa napanood kahit trailer…ano yun, nababalian ng likod? baka patalikod umakyat ng bundok?

[Reply]

bea May 20, 2007 at 6:06 am

nyahahahahaha…..inang! nabuhay ang nakaraan ko dito sa updated post na ito hahahaha. Parang gusto kong gayahin si tita armida habang kumakanta siya sa programang AAWATIN KITA este AAWITAN KITA ng Maalaala Mo Kaya…..ahahahaha. ako na lang ang mag-a-apply bilang Katulong F ahahahaha.

[Reply]

ros May 20, 2007 at 9:08 am

parang gusto kong gayahin yan posts mo sa mga Helper…dami ko din experiences jan

kaya lang me quotes din kaya from them? :)

[Reply]

reyna elena May 20, 2007 at 9:34 am

@bea – he he he, you know, naalala ko tuloy si Aling Delia! ha ha ha!

@ross – eto, di ba, mukha na syan libro? he he he! I post ko kaya mga litrato nang mga to? Ano kaya?

[Reply]

rieaane May 20, 2007 at 11:35 am

naalala ko yong katulog namin dati, nagtataka kami kasi palagi na lang na out of stock ang freezer at grocery cabinets namin, yong dapat na one month to consume ay naging one week na lang! yon pala binibigay sa mga friends and relatives nya!

[Reply]

reyna elena May 20, 2007 at 1:27 pm

ewan ko rieanne, bat’ ba ganun ang mga nakukuha namin! matino naman kaming employer. ok naman mag-pasweldo. yet, i know why. and am sure kahit kayo alam na alam nyo ang becoz. DA becoz eh dahil nga karamihan nang nag-a-aply as katulong are really mahirap and when they get into a household like ours na hindi naman kami mga zobel de ayala, nagkakaron nang culture shock.

wala na kaming balak mag-look nang katulong, tama na yong ABCDE. that’s it. tutal, aba! mula nong namulat kami sa estados unidos, kahit isang katulong wala ano? as in gawa namin lahat. dahil nga dysfunctional ang aming la familia, walang tumulong samin, pero? required kaming tumulong. ganun ang aming presidential decree nakaukit sa aming mga pwit.

kakabwisit talaga!

[Reply]

ghandee May 20, 2007 at 11:51 pm

buti pa kayo may mga kasambahay.
ako din nakaranas magkaron nyan, pero parang tiga-alaga lang sya sa kin kasi yong mga nagpala sa kin eh laging wala sa bahay. maswerte ako kasi lahat ng mga naging tiga-alaga ko eh mubabait. sa kanila ko nga unang narinig yong kwento nong hari na lahat ng mahawakan nya eh nagiging ginto.

niwey, after 48 yrs… baligtad na ang mundo, ako na yong longkatuts. :( hehehe

[Reply]

c5 May 21, 2007 at 12:08 am

wala namang masama sa pagiging katulong ah…ang problema ay marami talagang di mapagkatiwalaan lalo na yung mga natuto na sa maynila…kaya madami rin ang kumukuha pa sa bicol (masipag daw)…kaso pag natungtong na sa maynila, natututo nang magkung-anu-ano na daig pa sya amo. di ko nilalahat…pero mukhang sa mga experiences natin, halos lahat hindi maganda.

ako, personally, di bale ng magulo bahay ko, ayoko lang may ibang tao sa bahay ko.

[Reply]

bea May 21, 2007 at 12:30 am

bigla kong namiss yung dating kasama ko dito na si momnibochok :( . pati rin si kitty. nasaan na kaya ang mga yun?

[Reply]

c5 May 21, 2007 at 1:09 am

honga…bigla silang nawala eh…

bea, one week nalang, 28 na…

jc, musta ka na?

chuva, ingat sa pagbyahe-byahe ha…

grabe, gutom na gutom ako…di bale sana kung sumeseksi ako…wala namang nagbabago! :(

inang, di tayo nagkakatagpo ah…

diwa, musta ka na…nasa alapaap ka pa yata ah…

ghandee, pakilala mo si ham sa mga diwata para di magselos

ros, welcome back to the blogosphere at salamat din sa vote…di ko pa nakukuha yung patch ko :(

grabe, nalulunod na yata ako…kumuha yata ako ng batong ipinupukpok ko sa ulo ko sa poegging ko ah…kayanin ko kaya yun?

[Reply]

Japok July 21, 2007 at 5:07 am

Naghahanap kami ng katulong sa bahay.Yung all around at trustworthy, maasahan at with pleasing personality.

Baka meron kayong ma-refer sa akin…..Text nyo na lang po ako sa 0919-2489306

[Reply]

diwatangbyaning July 21, 2007 at 5:54 am

ako avelavel po ako! kailangan ko po ng pang 5 tarbahu! huhuhu…

ok naman ako tita cee eto 4 ang tarbahu he he he … panay-panay raket at ratsada, ikaw kamusta ka naman?

[Reply]

Anonymous June 19, 2008 at 12:10 pm

ano ang aksis

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: