The 10 Biggest Interview Killers
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
It’s like being on a romantic dinner, dapat iwasan mo yong mood killers — halimbawa, nag-ta-talak ka na puno nang puto ang bunganga mo, o kaya naman, minumura mo yon ex-lover mo, o kaya nagku-kwento ka nang kakilala mo na nasa ospital dahil nagkaron sya nang food poisoning. Get mo? Sa job interview, ganun din yon. Kelangan, iwasan mo yong mga spoilers dahil palpak na impression yon.
Eto ang sampung most common “advantage killers” at kung pano iwasan to para maka-pers base ka sa job interview mo, ok?
1. You are Miss Clueless or Mr. Cluelorfull. Karamihan sa mga naghahanap nang trabaho, especially dyan satin sa Pinas, iisa ang sinasabi, “kahi’t anong trabaho dyan!”. Kaya tuloy, pag nasa interview na, akala nila, ang purpose nang interview eh kung ano ang pwedeng pasukan at kung kelan sila mag-i-istart. Korek? Kelangan, basahin mo yong ina-aplayan mo. Ang goal mo dapat eh, ipakita na ikaw ay tugma sa company na yan at ikaw talaga ang hinahanap nila.
2. Makulit na, very pushy pa! Oo na, kelangan talagang makakita ka nang trabaho. Pero, kapag kinulit mo yong nag-iinterview sa yo na talagang kelangang kelangan mo tong trabaho na to, pustahan tayo, chugi ka! Baka mamaya eh itulak ka na lang dyan sa bintana nila. Makinig mga iha, mga iho. Paalalahanin ninyo mga kaluluwa ninyo na before you walk dito sa interview na to, na you do not need this job. Oo na, kelangan mo nang anda para makadate mo jowa mo, kelangan mo nang pang-Jolibee. Pero, ilagay mo sa tamang lugar ang pagiging makulit.
3. Malalaswang galaw o kaya di mapakaling galaw. Impression, impression, impression mga anak. Dito mo ide-demonstrate ang iyong confidence. Your first impression makes the difference. Pagpasok mo sa office nang mag-iinterview sa yo, deretso ang tayo, wag kang mag-a-ala-next America’s Top Model, basta deretso eye contact, pinong ngiti, wag yong ngiting aso at mag offer nang isang strong handshake, pero wag mong babaliin ang kamay nang your interviewer ano? Hindi eto World Wrestling Federation.  Kung kinakailangan, sulat mo kaagad name nya sa notepad as soon as you seat yourself.Â
4. Wag mong ibagsak ang sarili mo.  Ganito yon. Pag ikaw eh ini-interview, kelangan ang tingin mo sa sarili mo at dun sa nag-i-interview sa yo eh parehas lang kayo. Parehas kayong maganda. Parehas kayong matalino. Parehas kanan paa nyo. You know what I mean? Wag kang mag-drama na superior sya sa yo, o kaya masyado naman ang personality mong todotodo’t nalunod na yong nag-i-interview sa yo. Hinay ba.Â
5. Ang interview is not Yes/No Answers An interview is a conversation. Hindi to Yes/No, Left/Right, Uhuh/Yeap answer. Kailangan mag-prepare ka nang mga istoryang kwadrado para naman mai-highlight mo mga accomplishments mo. Alam mo ba ang sabi ni Trump? Purihin mo sarili mo, dahil pagdating sa interview, walang kaalam alam ang interviewer at hindi sya ang pupuri sa yo. Get? Kaya pag tinanong ka, sagutin nang simple, dagdagan nang konting deretsong story, at kung gusto mo, dagdagan mo nang katanungan sa kanya. Conversation nga di ba?
6. Ratsadang sagot! Eto naman ang sort of kabaliktaran nung number 5. I mean, pag ikaw tinanong, tapos niratsada mo na parang Presidential Decree na yong sagot mo tapos me mga reference pa sa Verse 5, Chapter 6, tandaan mo, palalayasin ka kaagad in sampung segundo. Eh, siempre, mababaliw sayo ang nag-iinterview ano? Kelangan yong mga dramang istorya mo should be 60 to 90 seconds long at dapat relevant sya sa tanong ano? Wag yong kinwento mo na na si Sam Milby pala eh, bumili na nang bahay sa Pasig!
7. Wag pahuhulog sa interviewer. Ang magaling na interviewer ay kaya kang pakalmahin within the first 10 minutes nang interview mo. Ikaw naman, feel mo na best friend mo na sya, di ba? Wag ka munang mag-ladlad. Don’t let your guard down. Andyan ka para interbyuhin din sya at kumuha nang mga kasagutan. Treat mo to as professional business meeting mula’t simula.
8. Mga mali-maling akala. Hayaan mong magtanong nang magtanong. Tutal, wala namang demerits dito eh. Di ka naman ipapahuli sa pulis kapag palpak ang mga sagot mo o kaya di mo naintindihan mga pinagsasabi nya. Wag kang mag-a-akala na alam mo na ang sinabi nang interviewer kung you actually don’t understand kung anong mga sinabi nya. Ang epektibong interview eh yong maka-kolekta ka nang mga impormasyon, taking good notes, at mag-respond sa mga actual facts na nakolekta mo. Ok? Kung wala kang naintindihan, magtanong!
9. Wag kang mag-e-emote! Minsan, me mga interviewer na mega-ask sayo nang kestyons at ikaw naman eh tinamaan at biglang nasagi ang kaibuturan nang iyong mala-sibuyas na damdamin. Wag kang aatungal! Don’t fall for it. Clear your mind of any fears or expectations, para ,ma-maintain mo ang Miss Universe porma mo, o kaya ang pagka-professional mo at all times. Pag ikaw nag-emote emote dyan, chugi ka! Bili ka na lang uli nang dyaryo, maghanap nang ibang trabaho, kaso, interview na naman!!!
10. Hindi ka nagtatanong nang specific kestyons Alam mo, inis actually ang mga interviewers sa mga job applicants na hindi man lang magtanong tungkol sa position. Kaya kung ako ikaw, maghanda ka na nang listahan of prepared questions about the company, yong position, kung sino ang magiging bossing mo, ano ang leadership style nya, saan sya galing, anong tinapos nya, paano sya mag-treat nang Miss Universe na gaya mo, pede ba kamo syang utangan kung ma-late ang sweldo mo, babawasan nya ba ang sweldo mo pag nalate ka dahil sa trapik, all those questions. Ask questions that begin with “what,” “how,” and “why.” Avoid simple yes/no questions. Padakdakin mo nang padakdakin ang interviewer mo. Ikaw na mismo ang mag-interview sa kanya! O, di ba?Â
Popularity: 4% [?]























April 16th, 2007 at 2:34 pm
10. Hindi ka nagtatanong nang specific kestyons
yung unang tarbahu ko, wala akong angal, kahit Personnel Aide lang ng mayor ng gapo ang sweldo ko kahit programmer ang talagang tarbahu, ok lang…syempre nasa first step ako ng hagdan eh…kaya kahit 1k lang a month (1988 na yun ha) ok na…
2nd job ko, mudami na kong experience sa tao…pinakaimportante kong tanong… “So, how much am I expecting for this job?” Sagot sa kin, “You get the job as Information Systems Analyst so that’s 5,302.” Sagot ko uli, “That would be fine. Thanks. See you Monday.” O diva ang confidence tumaas…
3rd job ko, 6 years akong hindi na employee pero someone recommended me…ako ang tinanong kung magkano…sinagot ko. “Fifteen thousand would be fine.” As web designer yun in 2000…natuto lang ako sa isang free tutorial over the internet…it was meant for 5 months only….kahanay ko yung sweldo ng System Administrator na college grad and full of experience…natalo ko yung mga programmers na mga college graduate na hindi pinapayagang mag-internet na ang sweldo hanggang 8k lang…kaya super inggit sila sa akin…eh kasama nila ako sa kwarto…hehehe… nanggagalaiti sila sa inggit…inggit sila di lang dahil sa sweldo ko…kundi dahil sa tinapos ko…di ko natikman ang college…
[reply this comment]
April 16th, 2007 at 11:21 pm
asteeg naman si mama cee!
hmmm.. yun no. 10 na yan, di ba dapat sa huli na yan? kasi di naman pede tanungin mo agad kung magkano sahod mo eh. hehehe. o kaya kung kelan ka magstart, parang dyahe pag ganon agad ang tanong lalo kung di ka sure na ikaw nga ang kukunin.
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 12:12 am
Kaya nga #10 sya eh…diba nga’t huli naman…
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 12:21 am
astig talaga c5!!!
ghandee, i think it’s a culture thing, as far as asking about salary is concerned, dahil dito in the US, that’s something common or expected. I remember, yong job interview ko, the last part of our discussion was salary at talagang sinulat mismo sa papel kung magkano ang offer and then nag bid ako to the max. Di kami nagkasundo so I turned down the offer.
Mga pinoy kasi, di ba sorta “nakakahiya eh!”. This is the same thing na ginagawa nang most Pinoys here na nakakausap ko who are not asking for any raise dahil nahihiya daw sila! Keber! I ask! Wiz akong pekealam! Amerkano na rin ang utak ko! So, I think it must be a culture thing, o baka naman makapal lang talaga muka ko! he he he
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 1:15 am
aba! hindi pwedeng one side lang ang sure (employer)…a deal becomes a deal if both parties agree…agree on what? syempre sa work and salary.
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 1:59 am
hehe. tingin ko nga ganon ang mga pinoy, isang magandang ejemplo eh ako, nyahaha. eh kasi nagwork ako di ko alam salary hehe. kinalabasan tuloy napasubo ako sa work na super baba naman pala sahod.
kelangan ko kasi ng work dati. pero ngayon masaya na ko. ay di pa rin pala kasi muchacha pa rin ako dito eh.
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 2:18 am
Well, supply and demand din also, other than culture di ba? Sa pinas kasi naman, i remember noong andyan ako sa menila nong 2005, me opening sa Robinson’s, o my gawd! buong kahabaan yata nang Edsa yong mga applicant! So, pagka mudaming ga-apply nang work, siempre, babaratin ka nang employer, yun ang reason why some applicants eh di na nakikipag-bargain nang sweldo, korek?
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 2:27 am
^korek ka dyan! syemps, daming nag-aagawan para sa position, eh di imbes magbid eh baratan na lang ang drama, tapos syemps baba sahod, eh dapat minimum wage asus! di naman nasusunod yan sa iba, pero payag pa rin yon mga aplikante, basta magetching nila yon position. eh may karapatan bang huminde? wala! dahil sa dami ng tao dito sa pinas, at karamihan nga eh gradweyt ng college. kaya ayon, tyaga kahit super liit sahod.
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 2:52 am
he he he! ganon ghandee ginawa sakin when i was there!
before i went home to manila last 2005, i was interviewed here in the US nang isang US grad nang isang University sa Illinois whose now a Chief Operating Officer nang isang investment company dyan sa Makati. Everything went well, and said, kung uuwi daw ako, call them so they can talk to me. Eh di umuwi nga me, call sila and then set up the appointment. I was interviewed by this guy, right? Dinala ako sa Makati Business Club, am telling you the place is really nice, except di ako fan nong fud nila. I think the guy was trying to make an impression to me, siempre, US grad din ako, kaya siguro pinapasikatan ako. Yong boss nya is Harvard-grad, pero ok naman school ko. Yong biz school namin is among the top 50 sa EMBA category.
In any case, dumating sa sweldo ang usapan. Gitanong nya ako. I told him na, i already expect na di mo kakayanin ang sweldo ko sa US, so why don’t you tell me how much you are giving for this position. Nong sinabi, muntik na akong mabilaukan! He He He! Natawa ako! Tumawa din sya. To justify, sabi ba naman, karamihan dito daw sa pinas, nakikitira lang daw mga staff nila sa payrents or relathieves. Sa isip ko, what’s that got to do wid anything?! Nag-iba tuloy tingin ko sa kanya. Nairita ako. Anyway, binilang ko expenses ko sa kanya and I turned down the position.
Eto ako ngayon, balik sa Amerika.
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 3:06 am
hahaha. eh ganon talaga dito sa pinas, kasi imbes halimbawa iupa mo sa house, eh dun ka na lang sa peyrentz mo or relathieves hehehe. nakatipid ka, nakahakot ka pa ng sama ng loob! ahahaha ulit!
aynaku! ewan ko nga ba kung bakit ganyan ang kalakaran dine sa pinas. kaya kung ako sayo, dyan ka na lang sa merika, punta ka na lang dito pag damatans ka na, para petiks galore na lang ikaw. di ka na magwowork dito, aantay ka na lang ng anda galing sa mga negosyo mo.
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 3:35 am
ANO?! uuwi ako pag-uugod ugod na ako?! DI PEDE NOOOO?!!! NGAYON na mISmo ako dapat umuwi! kainis nga lang! walang mag-hire sakin!!!! besides, anong gagawin ko dyan pag otsenta anyos na ko aber? as in mag-i-istarbaks pa ba ako? di na no!
[reply this comment]
April 17th, 2007 at 3:47 am
^ ehhhhhh, baket naman kasi maghahanap ka ng work dito? eh mag put up ka na lang ng negosyo, tapos kami ang i-hire mo. hehehe.
[reply this comment]
March 13th, 2008 at 12:35 am
[…] 1.) How to write an application letter. 2.) Yes Matilda, I fix broken resumes. 3.) Do I specify my asking price sa resume?! 4.) The 10 biggest interview killers […]
March 15th, 2008 at 1:47 am
[…] 1.) How to write an application letter. 2.) Yes Matilda, I fix broken resumes. 3.) Do I specify my asking price sa resume?! 4.) The 10 biggest interview killers […]