I think I’m gonna love it here!
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
How come nobody told me?! Na bawal pala ang martilyo?! Tuloy si Reyna ay na-investigate! Mabuti na lang I told the immigrate that I brought da damn shit by friggin’ mistake!
So… delay ang aming byahe at 9am…Â eto kami nakatunganga waiting for the 10:15am flight…
Nakaupo… nag-mamasid sa kapaligiran ko:

Bring your own food na ba dito?! Kelan pa to nangyari?

Hmmppp! Check ko lang pasaporte ko! Baka mamya me imperdibli dito!
Hulaan nyo, who’s (Joey at Reyna) reading what?!

I know, your guess is as good as everybody. That’s how notorious I am now.
Wow! Two of my most admired people on earth! I like Obama! The audacity of hope! IÂ love Hillary, too! I want Obama to the next President! I want Hillary to be the next President, too! Ako kaya?!

But are they ready? Coz we are!
Announcement! Flight 327 bound for Detroit is now ready for boarding on Gate A6. Please proceed to the boarding gate area. At the moment, we are pre-boarding row numbers 1 to 4.
J - Reynz, tara na! Tinawag na tayo.
R - (the ever-loving subject) tara! Sunod ako!
Ticket Counter - As you might have heard it, your row number were not called in yet. Yours is 23 and 24! (Maldita ang hitad!)Â Tumakbo kami ni Joey sa sulok sa sobrang hiya!!! Sinisi ko si Joey! “Ano ka ba? Iba ang wan to foor sa twenti foor anu?! Nakasimangot ang Joey! “Wag ka nang maingay!” Sabi nang Joey. Eh, prehas kaming napahiya eh!
Flight 327 is ready for boarding. You may all board now.
Ano ka mo? Wala nang linya linya? Eh bakit tayo pina-alis kanina? AMBASTOS NA MALDITANG announcer na yan!
R - Gusto mo bang sabunutan ko’t ingud-ngud ang nguso nang tikbalang na yan?
J - Gusto mo bang weng-weng ang sakyan mo pabalik sa Philadelphia?!
Sya na nga. Di na ko umimik. Wasok us. Fly-lalush! At last nakarating din kami nang Detroit with at least an hour to kill.
So, stop by muna kami dito.. to have coffee and moi? to smoke..

After burning my apdo over at Fox, we headed to look for something to eat. We followed a lot of Japanese guy, so we ended up at Makodonoradu. Can you feel the welcome drama nila?

Dito na lang tayo! Nakasulat tagalog eh! Kaya lang ano to? Consultant nila siguro tiga Flippines. Nag-teks na lang sa kanila.

Then,
Flight 71 bound for Nagoya, Japan is now ready for boarding. This flight will continue to Manila, Philippines. To those who needs special assistance in boarding, please proceed to the gate and…
Aba! Dagsaan sa gate!!! Unahan!!! Even though hindi pa sila tinatawag?! What happened here?!

Eh di ano pa nga ba! Nakipagtulakan kami ni Joey! Mantakin mo yon! If I were the announcer? I think I will do a much better job in organizing these people! Ganito ang gagawin nang Reyna. Makinig kayo.
(Magti-ti-li ako!) Punyeta kayo! Sinabi nang tatawagin ko ang pwede nang pumasok at hindi ko sinabing lahat nang mga pwet nyong mga tikbalang kayo eh ipasok niyo sa pagkaliit liit na lagusang to!$%^! Ano ang hindi ninyo naiitindihan?! ANOOOO!!!! NOW! Let me repeat! Only f@#%^&ng rows 40 to 60 can now board the aircraft! Line up! March! MARCH! LEFT! LEFT! LEFT! RIGHT! LEFT! RIGHT! LEFT! RIGHT!
Di ba mas maganda pag ganun?
Nag-martsa kami as directed. Dito sa aming lugar na ang tawag eh:

Opo. Dito kami, sa klaseng pangkaraniwan. Papasok kami sa lagusan. At pag nakita namin ang aming mga salong-pwet, dun na lang kami uupo.
Madami naman palang pagkain dito sa klaseng pangkaraniwan, akala ko bring your own food….

Wala talaga kaming ginawa lumamaon…

At lumamon…

Piktapos, natulog na lang ako… nang natulog…
Finally, dumating din kami nang Menila.

Me kumakanta pang mag-we-welcome sayo!
Den… Repeat nang incident sa Detroit!
Eto kami ngayon sa Immigration!

Me nakikita ba kayong linya?! Ha Ha Ha WALLLLAAA!!! Isaksak mo lang ang kaluluwa mo anywhere! Nagmistula kaming mga refugees na galing pa lang bumaba nang boat!
OFW? That’s just for display! Eh mga hapon at mga puti, dun ko nakitang nagsasaksakan eh! Wala ding linya dyan!

Me yellow line dun sa immigration officer, di ba? Kelangan wag kang lalapit para naman me privacy yong taong nauna sa yo.
Well, BAWAL ANG LUMAGPAS SA LINYANG YELO NA YAN! Pag lumagpas ka! Kukurutin namin singit nyo! Well? Look! He He He

HA HA HA I LOVE PINOYS! Hell hath no rules!!!
Kaya tuloy, it’s total chaos!!! HA HA HA

EYE EM IN MY TURD WORLD KAWNTRI!
I think eye em gonna lurrvvveee it here! Ha Ha Ha







December 22nd, 2006 at 1:03 pm
hello po…^_^
actually bago lang ako dito sa site nyo, ahm mga 2 days ago ko pa lang nadiscover…tuwang tuwa ako sa mga nababasa ko dito, di ko mapigilang tumawa at sumaya…^_^
nasa tabi tabi lang po ako, aspiring nurse din haha…welcome back po ulit sa pilipinas and happy holidays…^_^
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 5:48 pm
ayan may nadagdag sa timang team lol
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 6:12 pm
JC, ‘lamat! mag-ingat ka… daming timang dito… please don’t memorize what we say. he he he
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 7:02 pm
JC - welkum! huwag kang madadala - - pag kilala ka na namin, titirahin ka na rin namin. sa umpisa lang kami mabait! diba kuts and diwa? bea- bakit tahimik ka? na-ngangaroling ka ba?
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 9:06 pm
BIYERNESS NA MGA SISTERETTES!!!! BAKASYON NA NG MGA DAKILANG GUROOO, AWWWW!… WINTER BREAK, WOOOHHOOOOO!!! SA JANUARY 8 KO NA ULIT MAKIKITA ANG MGA HINAYUPAK!!! FLYLALUSH AKO PAPUNTANG SAN FRANCISCO TOMORROW WITH MY ANIMAL HUSBANDRY AND THREE MINI ME’S, HAHAHAHAHA!!! YOHOOOO….!!!
Notice of Privacy: naka parenthesis ang next line dahil para kay chuva lang itetch: (Hoy, malditang Vaklah, kalandi ng sfeling mo ng welkum…nag eecho sa aking brinining ang cum..cum…cum…)
Oi JC, welcome!! (lang echo, chuva) Sayang kaalis lang ng mga students ko…pasasalubungan sana kita ng masigavong falakfakan, hehehehe… Ay, ayun may natira pa, si Oluagbunami Olurugdepojut..Ayan makinig ka at talagang magaling ito sa palakpalakan, yan lang yata alam nyang gawin eh, hehehehe… Actually leader to ng step team namin!
Bumi: “clap! 123… clap! clap! 123…clap! clap! clap! clap! clap clap!!!!!”
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 11:00 pm
salamat hehe kasi may mega welcome pa ako…hello kina diwatangbyaning, chuva chienes, kutang bato at iba pa like bea…^_^
kasama kayo sa mga nagpapasaya dito, actually kagigising ko lang at i ususally surf before eating breakfast, ngayon isa na tong site sa regular na visit ko aside from reading emails and syempre youtube haha…
mam Reyna elena baka naman po pwede nyo lagyan ng part2 or tapusin yung “Will i ever find one like him again (Part 1)”? nakaka-touched kasi and i wondered what happened when Mike was gone…
hehe salamat po ulit sa inyo and keep up the good work…^_^
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 11:19 pm
Ay naku JC. Alam mo ba kung ano anong panlalait ang inabot ko ki Diwa at Chuva nong pinost ko yon? Tinwag nila ang Homeland Security at gustong ipalusob ang kaharian ko! Me dala pang bolo and Diwa!
O Diwa! pano ba to? Itutuloy ko yong Part 2!
Kuts! Wag kang tatalon sa Golden Gate ha? Plis lang! Plisss!!! Enjoy the holidays!!!
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 11:33 pm
yey! tenk u tenk u pamasko nyo na lang po sakin hehe ^_^
ganun? ayaw nila non? hehe pero kasi parang nakakahinayang naman kung di malalaman ng madla ang katapusan non…hehe parang nobelang inaabangan…^_^
at first habang binabasa ko yun hindi ko po mapaniwalaan na ikaw ang sumulat kasi masyadong personal kaya akala ko it’s just a featured story or something, while reading ayun sabi ko, “ah sya nga ang sumulat” hehe kasi na-praning ako sa mga words kahit may mga parts na seryoso natatawa pa rin ako…unique po talaga ang writing style mo, parang kausap lang at nandyan…^_^
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 11:43 pm
hmmm… ganun? ako’y isang tyanak na? yaan mo… tatapusin ko! sugurin man ako ni Diwa at ni Chuva nang bolo! pagbalik ko na sa estados unidos at medyo mangangaroling din ako gaya ni momnibochok at bea!
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 11:50 pm
tenk u, mag-enjoy po sana kayo sa bakasyon nyo…hehe meri krismas po…cge kain na muna ko breakfast luto na raw kasi hehe…
[reply this comment]
December 22nd, 2006 at 11:55 pm
Lowka ka Kuts - yang mga words mo ha, mga ka-ek-ekan - - dehins mo pa naman knows kung sino si JC. Malay mo initials yan ng almighty no - parehong impyerno ang vagsahk nahtin!! Pero kung si JC Bonin naman - - TYFFFFE KOOOOHHH!!!! Have a fun trip in SF - - ako naman flylalush sa Chicago - - manghahala, baka suwertehin. Ay sori JC… let there be peace on earth…
DIWAAAAAAAAAAAAAAAAAAA - nasan na ang tsinelas ko?!!! naglinis ka lang ng bahay ko pati tsinelas ko nawawala.. lintek na buhay to o!!
[reply this comment]
December 23rd, 2006 at 12:15 am
Chuva!!!! Enjoy sa tsikago! Magdala ka nang ice skates, kelangan mo yan sa paghabol nang men in the strits!
Ganun?! Nilinis na naman ni Diwa? He He He
[reply this comment]
December 23rd, 2006 at 4:09 am
Ituloy mo na kasi Reyna para malaman ko kung anong nanyare kay Doreen ha ha ha.,pinagkakakitaan ko na ang pagka OC ko ngayon o dava.(pinadami ko ang mga lladro,now they are called llandro lol)
I-di-nonate ko sa porpol hart at goodwill dami kasi nadaig pa si Imelda(Papin ha)ang mga lintek na stenelas mo ati!(ilan ba kasi ang paa mo?lima?sabay sabay mo ba silang isuot lahat?gashhh…)
Buti pa kayo may gawa sa bagong taon ako dito lang sa bahay magbuburda.
[reply this comment]
December 23rd, 2006 at 4:45 am
maligo ka sa bagong taon diwa! yaan mo, pagdating nang jaded lounge! bangagan tayo! eye pick you up sa cherry hill! later, alis ako, me nag-iintay sa aking lalaki. obet pangalan. he he he napa-pag-initan nang lola mong si joey.
[reply this comment]
December 23rd, 2006 at 6:04 am
O sure bangangaan lang pala.em sure dami chika yan hehe.pick me up?sabi mo yan ha!anjan ka na sa philly eh liliko ka pa ng cherry hill?em especial bah?lam ko na yan matagal na espesyal talaga ako lol pls…ang location location wag mong ivulgar(cherry hill)at baka may nakakakilala sa akin dito malay natin si kuta kapit bahay ko pala yan na pinagkakautangan ko lol.
Obet ba kamo?para naman pangalan ng tubero yan…
ipa-arbor mo na sa lola mo!am sure anjan pa yong 3 no!wag kang hangal masyado!!!!share your blessings ika nga pasko pa naman…ikaw din
[reply this comment]