Isyu ngayon sa pinas: Charter Change

by Rainier on December 17, 2006

ATTENTION: This topic is filed under BOXING.

Ngayon:

Maupo kayo mga anak ko. Me importanteng sasabihon ang lola ninyo dahil paglaki nyo? Apektado kayo nang kapra-ningan nang mga senador at tongressman ninyo! Me magpapalit nang diaper.

Nakatatak sa  konstitusyon natin ang aspirasyones at mga idealismo nang mga pinoy. (Yeeeeehaaa! Galing nang lola nyo managaloggg!!!) Ibagsak! Ibagsak! AHH BASTAA! Ibagsak! Kahit ano! An saya ko! <— nagiisang humahalakhak!*

Ngayon, tatlong makina lang ang pedeng makapag-oil change, tire rotation (ba’t ba oil change ang napunta sa utak ko?!) o, makapag-amend nang ating mga sinumpaang gintong papel.

(Hoi!: nag-pers year pers sem kalids of low ako sa Jose Rizal College sa Manda! Hokey!)

Una: INIS-yatib nang madlang pipol

O, people’s power nagsimula to! Kaso daming difficulties both legal tsaka logistics. Eh sino fa nga ba ang lalangoy mula Appari hanggang Jolo para lang makakuha nang mega-signature? Besides, pinoy ba naman! Di mo na kelangang pumunta nang Jolo for signature. Dyan lang sa Blumentritt dami na.

Pangalwa: Constitutional Convenshun

Dito ay kung saan ang mga delegado na na-elek nang Comelec ay nagjujumbagan, nagkakalmutan at kung sino ang maton sya ang ma-eelek to draft the resolushun.

Pangatlo: Constituent Assembly.

Ok, refitttt after me: “ang mga delegado na na-elect nang Comelec ay nagjujumbagan, nagkakalmutan at kung sino ang maton sya ang ma-eelek to draft the resolushunn!”

Dito me konting giwang lang. Kasi yong House of Representatives at Senado, sila mismo mag-draft at mag-propose nang font at pink color changes sa Konstitushun. Naintindihan?

Likayo:

Samahan nyoko: Pakinggan natin ang mga nangyayari sa CON-ASS na puno nang mga ASSmen na nag-dede-bati:

“pokemon! uta ka! boto mo puro EYE SEE DID PIPOL! kurap! tae mo! diploma ko harbard! san? sa cubao? kikipedia! pediamurin! swapang! kaw tong aswang! supot! nanilip ka!? tado! nong sisilipin e sex chengz ka! emonyu ka talaga! butiki! udaz ka rin!”

Tara na mga anak! Busy sila sa tra-BAHO(!) nila. Ganyan ang debate anak sa senet flor. “Lola, hirap ba maging politiko?” Hindi anak. Karamihan sa mga yan mga walang pinag-aralan kaya sila ang nana-nalo sa halalan. Kaya tandaan mga anak ang pangaral nang lola ninyo: the more na wala kang ka-alam-alam at wala kang pinag-aralan, the more chances mo na manalo sa halalan. Atsaka payb minutes, magjujumbagan ang mga ‘yan!

Gusto nyo recess muna tayo? Mabigat topic natin eh!

You see, this is a really high flying political insanity discussion on how to drum roll the Philippines back into the dark ages once again, many times around again and again to the 10th power continued unto the next page and ruin the economic progress na kakaramput which we have enjoyed in a little span of months, eh kasi yong ibang months reserve for delubyo! Lahat na yata nang dios pinarurusahan na tayo sa mga kabalbalan nang ating binotong mga gwapo. (ayan ha! sabi ko ga’po!)

Sa totoo lang, di namin pinag-uusapan to sa bundok nang trala-lala!

Ok… kaya tingnan nyo: ilan na sa mga asungot dyan ang pilit na pinapalitan ang Consti natin:

  1. Andyan si John Osmena

  2. Natandaan ko si Joseph Estrada

  3. Si Pimentel – oras oras yata, charter change sya di ba

  4. Si Joker

  5. Si Ramon Mitra.

  6. Si Enrile

Ay naku, andami para ilista, di ba? Kaso, alang  nangyari sa mga ginawa nila.

NGAYON: eto na naman tayo! Marcos era revisited wid a deafRENT twist:

Ang mga bida sa kasalukuyan eh mga miembro nang House of Representatives atsaka Senado.  Me mga NGO na opposed sa Charter Change at pati na simbahan natin, ano fa nga ba! Eh di may I join da fun!

Eh ano ang mga pinag-aawayan?

Well, dati tawag dyan is “cha-cha”. (Aya ha? Diniskas natin to sa Pinoy Culture).

Ngayon ano na sya, ahhh, “con-ass” for “constituent assembly”.

Eh bakit nagkakagulo?

Kasi yong mga pro-Arroyo majority in the House of Representatives (the lower house of Congress) ay nag-convene nong laswik in defiance at objections nang Senado (the upper house). Yan ang reezon kung bakit jumbagan sila!!!

Ang issue is that the Arroyo government is planning to change the country’s political structure from a bicameral presidential system to a unicameral parliamentary one. Siempre pag isa na lang ang camera mo, isa na lang ang tingin mo.

Kaya nga kelangan amend my broken heart. Kaso bypass heart senate surgery and dating kaya galit ang Senado at mga political elite na interesado!

Kaya di kapagtataka na ang Senate eh oppose sa Arroyo tsaka bakit sasali sila sa agenda na pag natuloy yong unicameral eh pinis na sila?

An sabi ni Tita Glo:

Pagka unicameral parliamentary system drama chuva na sya, oil change!!! Ala nang gridlock, result? Pass na lang nang pass nang low kasi ngayon paralisado sila sa dalwang camera.

Eh dahil nga di isinali sa Jack en Poy ang Senate, ang mga haka haka eh dahil nag convene sila noong a-onse ba yun??? E referendum na ngayong Fibwari. Kaya pag nangyari to, aba, ngay-ong May 2007 elecshun, palpak na naman ang aking koroneyshun, kaya pagdating nang Nobyembre – me bagong pagong. Mag meyor na lang kaya ako?

To conclude my little analintek political insanity studies fotogayness:

Ang main na pinag-aawayan dito es:

Dinesign daw tong Con Ass para pahabain yong ki Gloria. Eeeekkk (sori ho Tita Glo!!!)

Sori ha? Teka.

Take 2.

Dinesign daw to para ma-posfon ang elecshun at mapahaba talaga yong ki Gloria. At dahil hahaba yong kanya, di magugustuhan nang tao, magkakagulo.

Eh kayo? Gusto nyo bang humaba yong ki Gloria??!

RELATED NEWS:

Ex-UP president: ‘Unpopular Arroyo may have lost Cha-cha’

Is Charter Change Immoral?Archives for Charter Change: PCIJ
 
     Solons fear colleague’s murder presages violent 2007 polls

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

- Reyna Elena
December 26, 2006 at 10:12 am

{ 3 comments… read them below or add one }

bea December 18, 2006 at 2:29 am

hay naku, mahal na reyna, bigla kong naalala yung mga koreano ba yun o mga hapones na kapag hindi nagkasundo sa pinag-uusapan sa mapayapang paraan ay dinadaan na lang sa jumbagan. nung minsan nga ay naisipan kong paalalahanan sila that they can resort naman to bato-bato pik. hayaan mo, maglalabas ako ng bato-bato pik manual complete with the game’s rules and regulations at ipamumudmod ko sa may pintuan ng mga ka-brader ko dyan sa senado at tongreso. kapag nakikita ko sila teevee, kumukulo ko ang lahat ng likido sa loob ng katawan ko sa inis! lalo na kapag ipino-pokus sa camera ang ilang mambabatas na natutulog sa mga lamesa nila! grrrrrrrrrrr!!!!!!!!!

saka, mahal na reyna, fwede kayang sulatan mo sila para mag-suggest ng ibang term naman para sa prosesong iyan. ampangit pakinggan kasi eh. con-ASS. paaaangiiiiiitt talaga!

[Reply]

Reyna Elena December 18, 2006 at 2:36 am

HA HA HA CON-ASS!!! Alam mo anak, sabi nga nan LOLA mo, kapag ika’y isang mangmang na walang alam at walang pinag-aralan, chances are, kaw mananalo sa halalan. Kaya ayan CON-ASS, kala nila good to hear at pleasing sa foreign ears! Di nila alam! Pugok pakinggan! HA HA HA

[Reply]

kutang bato December 18, 2006 at 2:50 am

Kadami naman talagang mambabatas eh wala namang ginagawa! Kaliit nga Pinas, one third lang ng state of Texas pero bicameral fah, daming pinapasweldo ni Juan dela Cruz na wala namang ginagawa!

At dahil wala silang magawa, inaagawan ng eksena ang mga taga exekyutib department – may mga “pet projects” sila via the pork barrel…

WE NEED MORE FIFOL NA MAG IIMPLEMENT NG BATAS, BAWASAN ANG GUMAGAWA NG BATAS!!! GO ARROYO!!!

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: