Pinoy work culture

by reyna11 on December 6, 2006

Pinay sya. Bagong dating sa merika, galing sya sa isang kilalang accounting firm in Makati. Pangalan nang firm nila is WKAF (Well-Known Accounting Firm). Magaling syang magdala nang sarili nya. Nakikita ko kung minsan, magaling manamit. Pati bag nya, sosyal. Tsaka ang sipag sipag! As Pinoy, of course alam ko naman kung pano tayo kumayod ano? Dito na sya nagtatrabahu sa isang kompanyang distilleria lintekmo.

Hoy mga magbabasa kong ni hindi man lang magpugay sa Reyna at hindi man lang mag-iwan nang mensahe, hindi ako to ha? Sya ay itinatago ko kaya pinalitan ko ang sex nya. Pano ba sya gawing trompo? A ewan.

Ok, deretso tayo mga ‘tsong!

Hardly working ako one time… oopps, ang gusto kong sabihin, working very hard ako one time I was such in a trance! pasok sya sa opisina ko, naupo sya salong-pwet at she’s got this weird look in her eyes and I said “Are you ok?”, she said “naiiyak ako!”

Huh?! Wakiit?

Isasara ko sana pintuan… She said, “wag… baka kung ano sabihin nila…”. Although medyo na-awa ako, tumaas kilay ko at sa isip ko… “gurrrlll, safe ka sakin. seyf na seyf!!!”

So ano bang nangyari?? Sinong yumari sayo?!

Ayaw nyang ngumiti! Avaaaa….

“Hindi ko na kaya. Gustong gusto ko nang layasan ang trabahong to. Kasi ang hirap kausapin nang mga tao dito. Maling mali ang ginagawa nila. Sinasabi ko sa kanila kung pano magtrabaho nang tama, kaso, ansama na nang pangalan ko dito, na once na lumapit ako sa kanila, sasabihin – eto na ang maldita. Sinasabi ko naman sa boss ko ang tamang gawin para kausapin mga ka-opisina ko na na-aapektuhan ang work ko, kinakausap naman nya, kaso, bumabalik saakin at ganon pa rin! Palpak pa rin ang work! Alam ko ang ginagawa ko at alam kong maling mali ang ginagawa dito!”.

“Worst, ni wala kang makuhang appreciation dito. Once na tinanong mo kung bakit ganon ang ginawa nila, very defensive kaagad! Tinanong ko yong isa kung bakit ganon ang gawa nila at baka pwedeng palitan para tumama, sinabihan ba naman ako na hindi raw pwede kasi yon ang columns don sa spreadsheet. Tayo ba ay dinidiktahan kung ano yong columns dun sa spreadsheet na alam naman nating mali yon? Hindi na ba pwedeng baguhin yon? Tapos sasabihin saakin, eh kasi ganito ang ginagawa nila noon at parating ganito naman talaga ang pag-gawa nito eh!”

“Gumagawa ako nang sandamakal na reconsilyasyon nang ibat ibang distilliria lintekmo. Inisa-isa ko yon para alam ko kung ano ang mali at ano ang i-aadjust namin. Pagdating sa meeting, basta kinuha yong total between the two, compared them both, ano ang diperensya, o ayun! yon ang adjustment. Sabi nong isa – bawasan mo yong adjustment nang ilang dolyares para allowance dito. Ganito ba sila? Ganon lang ba mag-correct nang problems?”

And she cried.

In front of me.

I was just listening intently.

I waited till he sorta subsided.

I was just staring blank at her. Listening to her. Doing nothing.

Then… Reyna spoke…

Anak, makinig ka sa lola mo… it’s difficult enough to be a manager in your own county, sa Pinas, let alone dito sa Merika. The spoken and unspoken rules would be quite different. Ganyan na ganyan ako nong dumating ako sa Merika and started working. The trouble you are experiencing at ang na-experience ko, may be culture-specific. Pero, dahil nauna ako sayo working dito, alam ko na ang problema dito ay kausa nang mga problem performers na hindi naman deserving na maupo sa mga trono nila. Mga alas numbe-singko lang ang mga yan. Darating nang eksakto las-nuve at redi nang lumayas pagpatak nang las-watro korentasingko at impuntong las-singko mga kaluluwa nyan nag-uunahan sa pintuan.

Bakit alam ko? ANo fa nga ba eh di ba dito rin ako  sa piernong to nag-tatrabaho, nagwento nga sakin yong isang menagir dito at nagreklamo sakin na meron daw syang staff na parating nagkakasakit. Kung ililista daw ang mga sakit nang ungas na to, siguro sampung blog entries na kasing haba nang North Luzon Expressway. Bakit? Naglalaro sila. Kapag meron na silang sakit alis (putanaman pano ba tagalugin yon?!)  ayun, tunay na kri-eytib ang paghanap nang kung ano-anong miswang sakit.

Pero, sa totoo lang, kelangan hinay ka at ingat sa style mo sa pakikipagusap sa mga yan dahil lahat yan defensive. So, titinganan mo kung yong manner of questioning mo is “friendly? defensive? or agressive?”.

Nalaman ko na ang para saakin na nakikita kong nag-wo-work ay ang aking mga pagkukunwari na ako’y mali. Subukan mo, pakikinggan ka nila at tuwang tuwa pa sila and then malalaman nila na sila pala ang mali, naku ambilis ayusin ang mali. Matagal ko nang ginagamit tong stratehiya na to at para saakin garantisado – pero dito lang sa Merika. Pero dagdagan mo, kelangan gawin mong accountable sila sa mga hindi bagay at taliwas na mga aksyon. I-pokus mo mo sa ugali nila at hindi sayo.

Merong superyoriti komplix and mga kaopisina kong iba ang kulay kesa saakin. Ang tingin nila, porke’t dito sila nabuhay, nag-aral at nag-puta, pinakaaaa sila. Ganon ang treatment nila saakin. Buti na lang me konting utak ako, madami akong nabiling certificate sa recto, at kung ano-anong abakada ang nakadagdag sa lasneym ko atsaka ako’y isang uragon. Nakikipagbutangan.

Isda ang mga kaopisina ko (get nyo?). Wa silang isip puro sila. Lam ko na yon. Kahit na mabait ako, di ako nag-iisip na ipagtatanggol ako nang mga to. Pero, lagi akong mabait, masaya, ngiting-aso parati, charming, voodoo, kariray at kung ano anong ka-chuvahan ang ginagawa ko para lang maging komportable ang mga to sa akin. Kwidaw, ang hilig hilig din nilang manlait ano? Bakit ko alam? Ay naku, araw araw yata na ginawa nang dios, parating pupunta saakin at sisiraan kung sino sino. Kala mo kung sinong marurunong. Karamihan timang! Sila sila rin nag-sisiraan. Sa totoo lang, parehas nang Pinoy ang mga ugali sa mga bagay na yan! Pero hindi naman lahat ano? Madami din sa kanila matatalino’t mababait. Mas madami lang kasing reklamador!

Buti nga nakuha akong Reyna dito. Bilib naman kasi sila sa mga certifikayt na nabili ko. Pinatutunayan ko naman. At ni minsan di ako nag-e-eri hurricane typhoon lalush dito kasi nga di pede sa kanila dahil feel nila anliit liit nila kahit na hanggang kisame tangkad nila. In ader words, segundo grado sit-sin pa rin ako. Ikaw. Tayong lahat. Kelangan tarbaho ka to da bones para patunayan minu-minuto na deserving ka sa kinalalagyan mo.

Hay naku, tama na. Tahan na…..

Ngayon, eto sasabihin ko sayong importante:

  • Pers, wag na wag kang iiyak sa harap nila. Sorry, sinabi ko to because it’s ok to cry. Wag ka lang pakikita sa mga ungas na to, bakit? Naku, lalampasuhin ka nang mga tyanak na yan. Kaya alam mo na kung gano ka-uragon ang Reyna dito. Ako’y talagang naki-ki-pag-butangan kaya yong iba dyan takot sakin. Unahan lang yan. Sindakan. Pag nasindak ka nila, yari ka. Kaya wag kang pasisindak! Ok? Refit aftir mi: “Punyetaaaa kayooo!!!!”.  Gaga, in your mind land! Wag mong isigaw baka palayasin tayong pareho dito! Dami ko pang mga utang no?! Walang sound lang. Pampalakas nang look yon!
  • Sekon, alam ko, ang galing nang qualifications mo. CPA ka ba naman, tiga-WKAF (well-known accounting firm), muganda, charming at magalang, so – intimidated sayo sila, eh dalwa pa naman tayong FLIP dito. Kaso, wala tayo sa Pinas, eh! Lakasan mo loob mo. Ala dito sawa mo, ala dito fafa mo. Kaw lang. Kaya matuto ka na. Para sayo din to. Ipaglaban mo sarili mo, andito lang ako. Alam mo ba ang experience na kelangan dito? Eto, pakinggan mo… kelangan me experience ka sa PRESO! Get mo?

Humagikhik sya. Tapos tawa nang tawa.

Ayun. Duda ko nagawa ko na trabaho nang Reyna.

Ano tingin nyo mga ‘tsong?!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 19 comments… read them below or add one }

P.Penduko December 6, 2006 at 4:09 am

magandang gabi mahal na Reyna Elena (o ayan ha nagbigay pugay na ako,hindi na ako basta isang lurker dito or should i say stalker)

consider me as one of ur fans.o daba taas na naman ang rating mo balato naman jan!

BTW this may seem a little bit off topic no.Matanong lang kita Reyna kelan ka ba magkakaroon ng talk show sa telemundo ay este TFC pala,or kung anik anik churvang channel?malamang ang ibang kababayan natin na nasa ibayong dagat ay malamang gusto din nilang malaman yan no..at siguro ako lang nagkaron ng lakas ng loob magtanong.,pede ka na nang pumalit kay Charlene Gonzales sa Athome ka dito at kay teysi ng tahanan eh*katok katok mga mississs*..opppss mali si Jobani pala yon(sumalangit nawa)

nagagalak akong maligaw dito sa imong site.nakakatawa at talagang may matututuhan ka talaga!…kaya nga bukas na bukas din uuwi na ako ng pinas at mag pa pranchise ako ng Starbucks lol…

Naway ipagpatuloy mo ang pagsusulat!!!

gumagalang,
itago mo na lang ako sa ngalang
P.Penduko(From the beautuful island of Cherry Hill)

[Reply]

Reyna Elena December 6, 2006 at 12:35 pm

Hmmmn… Way not?! Azan na ba yong mga tiga-GMA? ABS-CBN? Wala pa bang naliligaw dito? Wakit hindi? Umubra kaya yong katimangan nang Reyna sa TV? Salamat P.Penduko… he he he tumataba ang puso nang Reyna…

Naalala ko tuloy yong tiga Philippine Daily Inquirer who was writing me at nakausap ko by phone. Sabi pi-feature daw si Reyna sa PDI, ayun, na-emergency yata sa kakatawa, o baka na-timang, nawalan ako nang balita. Hmmmpppt!!!

Pero welcome P.Penduko at sa iba pang mga stalker ko dyan na panay hagikhik lang! Lumabas na kayo!!! MAGPUGAY SA REYNNNAAA at klikmoponsorsko!!!

[Reply]

ranz December 7, 2006 at 7:19 am

Bravo!!!
I am just wondering kung saan mo nakuha ang talent mo to communicate with the readers. Hands up ako. I am proud to be an OFW because of your blog, it shows that Filipino is really talented. Mabuhay ang Reyna.

[Reply]

reyna elena December 7, 2006 at 12:54 pm

hi ranz, he he he i lurrrvveee honest pipol! isa ka na dun! who always tell the truth! alam mo naman ang reyna, mega-suffer with attention deficit syndrome, kaya para talagang mapilitang magsulat nang mga katimangan kelangan feed my egooo!!! feedddd!

hindi ko alam kung saan galing tong mga katimangan ko ranz. aktwali, i don’t even know na talento to. basta’s kusa ko na lang hinahampas tong ki-burd na to at yan, tumatagaktak na lang ang kung ano anong laman nang utak ko. siguro dala to nang frustration ko sa mga bagay bagay sa mundo (prsst! hu hu hu), dala siguro nang dispankshoenaliti nang aking pamilya at aking ilusyon na magigi akong reyna elena sa darating na santacruzan sa baryo namin.

ewan…

there’s always something funny about everything…

don’t take life seriously…

smile and the world smiles with you…

[Reply]

diwatangbyaning December 8, 2006 at 5:51 am

hi sayo Reyna Elena at pati na din sa iyong mga masugid na mga tagasubaybay.

Reyna aba kusa ba?kung may speaking in tongues sa simbahan ano sayo speaking in keyboards?

Wala akong masabi sa site na itech,masyadong maganda ang mga kwentong buhay buhay…nakaka- perspire ba..alam mo na sa mga katulad ko na gusto ring maging negosyante.

Reyna paano ba magpadala ng sulat sayo?kasi kelangan ko ng payo.Balak ko sana magnegosyo lol,nothing big naman…ayaw ko naman mag post dito.aba gusto ko email at gusto ko i-post mo.saan ba yong link para sa letters to Reyna?hane?i-post mo kung saan para maabisuhan mo na ako.alalahanin this is nothing big okay pero.i still need your advice kasi jan ka sexpert no!

Gumagalang,
DiwatangByaning

[Reply]

Sheila Oraye December 8, 2006 at 8:53 am

HI!!! napadaan lng me sa site n to kc nghahanap me ng site para sa CPA board exam…eh biglang lumiko d2 kaya ayun..hagalpak me sa kktawa…he..he….he…

Seriously sobrang ganda ng site mo…d2 me sa pinas…napa-isip 2loy me ng humanap n ng fafa dyan sa merika para makarating dyan..(hhmmppp…d magandang idea) cge n nga mg-aaudit muna me baka sakaling isang araw eh migising n lng me n nsa merkia n.

Mabuhay ka Reyna Elena!

[Reply]

reyna elena December 8, 2006 at 10:37 am

diwatangbyaning!!! bow ang reyna sayooooo!!! mga diwata koooo! lookie! lookie! lookie! kung sino ang pumasok! sya ay isang rare sensitive species! sa wakas! kumpleto na ang aking mga diwata!!!

me diwatang me sawang deretso
me diwatang single na deretso
me diwatang bading

presentinggggggg!!

DIWATANGBYANING!!!!

ansaya saya!!!

[Reply]

reyna elena December 8, 2006 at 10:39 am

pssst! sheila! daan ka uli! ikaw ba eh tiga WKAF? salamat iha!

[Reply]

DiwatangByaning December 8, 2006 at 7:07 pm

aww thanks for the warm welcome!!!salamat ng madami..kasi kung di mo ako wi-nel-come aba i-we-welcome ko sarili ko sabay bangit sa mga bodyguards ko na roll out the red carpet DiwatangByaning is here!

Reyna ayan ka na naman sa WKAF mo ha kala ko naman talagang pangalan yan ng isang well known accounting firm bwehehehe..

saludo ako sayo..mam/sir reyna..btw ano ka ba sir/mam?ati o coya?

[Reply]

reyna elena December 9, 2006 at 6:46 am

diwatangbyaning… ako’y isang reyna. mahaba ang gown ko. kaya pag hinawi ko, hindi ko makita kong ano ako. (bakit? gusto mong makita?)

[Reply]

diwatangbyaning December 9, 2006 at 9:14 am

kuryus baga ako reyna!windang akitch minsan tingin ko sa lalake babae…minsan tingin ko sa lalaki babai ewannnn…iba na kasi ngayon eh…

gusto kong malaman at hmm siguro pede ding makita kung pwe-pede??*wink wink* mamable ka ba?kasi ako mamable eh lol….

i lurveeee ur humor reyna…nakakaintriga ka!!!!!!!eyeball tayo…yare lol

[Reply]

reyna elena December 9, 2006 at 1:18 pm

ow?! minsan tingin mo sa laki eh bai? wow!

SOLBIN ANG KURYUSITI NI DIWATANGBYANING

1.) duling ka ano?
2.) di kaya bangag ka lang diwatangbyaning?

[Reply]

kutang bato December 9, 2006 at 1:47 pm

diwatangbyaning-
Okay, bago malukring ang byuti mo ng kakaisip, sasabihin ko na lang ang totoo, kawawa ka naman. Si reyna ay isang certified HERMAPRODITE! Ang kanyang kasarian ay depende sa kung saang angle mo titingnan. Bago lang syang na reincarnate kaya nga ang utak nya ay di pa stable (obvious ba?)… Sa kanyang past life, sya ay isang makamundong nilalang, creature of the earth….isa syaaannng EARTHWORMMM, HERMAPRODITE!
I should know dahil noong past life ko ako’y isang centipede…super close kami nyan!

[Reply]

reyna elena December 9, 2006 at 7:22 pm

EEEEKKKK!!!! Pano mo nalamang dalwa ang aking reproductive organs? Sinilipan mo ba ako?! Wala na akong maitago sayo ha?!  Hoi! stable naman utak ko ah? depende lang nga sa vodka… hik!

[Reply]

diwatangbyaning December 10, 2006 at 5:11 am

ayaw ko nang alamin baka ma kukresya pa ako lol…

kahit ano kapa reyna!idol kita ehehe…saludo ako sayo!*sip sip eh*

[Reply]

bea December 10, 2006 at 7:18 am

hello, hello, hello!
sus me! isang araw lang nawala sa kaharian ni mahal na reyna ang byuti ko, aba at may bago ng diwata! welcome, welcome, diwatangbyaning! samahan mo kami sa aming pagpapakapraning! bow!hahahahaha

[Reply]

reyna elena December 10, 2006 at 7:31 pm

diwatingbyaning,

wag kang malulukring, sa aming pagka-praning.
eto sasabihin ko sayo ang totoo:

ako’y isang aboridyinis nang sorsogon,

uragon na bicolano,
kunyaring cebuano,
tunay na pilipino,
coniong pranses,
at pekeng merkano.

ako si reynang totoo.
Bow!

[Reply]

bea December 11, 2006 at 1:56 am

ahahaha ang mahal na reyna naging makata na! bow ako sa ‘yo, mahal na reyna. talentado kang totoo hahahahaha

[Reply]

Reyna Elena December 11, 2006 at 2:00 am

kasalanan to ni kutaaaaa!!!! langya mang-impluwensya yooonnnn!!!

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: