Acting on entrepreneurial dreams

November 18, 2006 by reyna11
Filed under: Letters to Reynz 

If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!

Dear Madame Reyna Elena:

Your blog and articles are really informative.. Sana maka receive ako ng response mula sa inyo. I’m Mina, been living here in Kuwait for 3 yrs. with my husband. Since naranasan ko na ang buhay abroad, masyado na kong naging passionate maging isang entrepeneur. I’ve been searching the web this past few yrs on ideas & topics about entrepeneurship. The only thing that holding me back is di ko alam kung pano ko isasakatuparan tong pangarap ko.. Willing ang kapatid ko for partnership, and i don’t know if our money is enough to start a business. At hindi pa ko ready na mg settle sa Pinas for good dahil, bata pa naman tayo at gusto kong dagdagan pa ang kapital ko… Pls, I need your advise to clear up my head…

Pwede mo ba kong bigyan ng insights kung anong business ang magandang simulan with a 100,000 capital..

It seemed that Mina is raising the following issues here:

  1. Partnership with kapatid and would you entrust managing the business sa kapatid.

  2. What kind of business could you start with a 100,000 capital.

  3. Just how do you make your entrepreneurial dreams come true.

In the meantime, I am holding off my response to you Mina because you need to clear up with me what is this 100,000 capital. Pesoses? Dulares? Sentimos?

Also, have you ever visited Euleh’s site? I think you should dahil he just might have all the answers for you. Here’s the link: Entrepinoys

Viewed 134 times by 73 viewers

Comments

19 Comments on Acting on entrepreneurial dreams

  1. bea on Mon, 20th Nov 2006 1:12 am
  2. Magandang araw sa reyna!
    Salamat for sharing Euleh’s site. I will share them with some of my townmates who are also planning to put up their own business. I am happy that the mini-store (read: sari-sari store hehehe) I have told you before is already becoming a reality. Nagpasimula na ako ng construction. Yeheeey! Nakakatuwa lang kasi dati plan ko pa lang to. Tapos ngayon, totoo na. Maliit lang naman na tindahan, just something to keep Nanay busy because next year she’s retiring from work. Excited na ako mag-Divisoria at mamili ng paninda hehehehe.

    [Reply]

  3. reyna elena on Mon, 20th Nov 2006 1:28 am
  4. bea,

    congratulations!!! that’s the reynaelena’s spirit! keep it alive and of course, it would be nice if you update us how your mini-store goes. who knows, one of these days you’ll gonna start franchising. tell me, how much did you start with? kasi tong si tita mina is asking what kind of business can you start with 100,000 pesoses. is that good enough for a mini-mini store o kulang?

    [Reply]

  5. bea on Mon, 20th Nov 2006 3:16 am
  6. okay na ang 100,000 na simula. mine is a little lower pa nga than that, at kasama na ang construction kasi inilipad talaga ng milenyo ang dating lumang tindahan sa bahay so i had to start from scratch again. kung puhunan lang sa paninda, ok na ang 100,000 pesoses. sige, i’ll give updates from time as to how my mini-store is doing. wish me luck!

    [Reply]

  7. Mina dela Tore on Mon, 20th Nov 2006 3:47 am
  8. Ano lng yon, Pesos.. sana mabigyan mo ko ng maraming variety.. Gusto ko talaga mg iwan sa pinas ng kahit maliit na negosyo, para maka ipon ipon na..

    salamat ulit..

    Myna

    [Reply]

  9. reyna elena on Mon, 20th Nov 2006 12:19 pm
  10. Ok. Php100,000. That’s just about USD2,000.00 Honestly, maliit na capital yan. But don’t lose interest. There are a lot of small businesses that you can start for Php100,000.

    Let’s start with what you have in mind. Ano-ano ang nasa isip mo na simulan sa perang to? At, ano-ano ang iniisip nang husband tsaka sister mo sa perang eto to start a business? Dito tayo magsimula.

    [Reply]

  11. Mina dela Tore on Mon, 20th Nov 2006 12:26 pm
  12. Wala talaga kaming idea.. If you can give any choices. Maliit lng ksi yong capital, at maiiwan ko kc sya sa pinas. Hindi ko sya ma momonitor ng maiigi. Mananahi rin ang mother ko, kso matanda na sya at gusto ko na ring mg retiro. Sya sana ang gusto kong tumingin sa iiwan kong negosyo.. Sa ibibigay mong chioces ko na lang hihingin ang opinyon ng asawa at kapatid ko.

    Maraming Salamat..

    [Reply]

  13. bea on Tue, 21st Nov 2006 1:11 am
  14. makikisawsaw na rin ako sa pagbibigay ng suggestions:

    1. tindahan (yung 100,000 kapital lang yun sa mga paninda. ideally, dapat may pwesto ka na)
    2. buy and sell ng items, say you get them from Baclaran or Divisoria. sari-sari ang pwedeng i-buy and sell.
    3. franchising (yung 100,000 yata kasya dun ang ink refill franchise. i think meron pang iba na pwedeng i-franchise like yung mga stand ng pagkain like fries, waffle, etc.) I once inquired how much is a Lavandera Ko (full-service laundromat) franchise, 399,000 pesoses daw.
    4. computer shop (c/o PLDT).meron ngayon yung sinasabi sa advertisement ng PLDT na less than 50,000 lang may ilang computer units ka na from them. downpayment lang yung almost 50K na yun, the rest , pati ng yung internet service, you will have to pay on a monthly basis. pero mataas ang monthly.

    i believe na malaking factor sa pagtatayo ng negosyo ang interest ng mga hahawak nito. i opted for a store kasi yun ang passion ng nanay ko. mas maigi siguro if mina will consult yung mga relatives niya kung ano ang gusto nila. saka isa pa, siyempre, yung magiging location. depende kasi sa need ng community around. like for example, if sa barrio itatayo ang business na laundromat, mahihirapan mag-click kasi meron pa silang sapa at ilog na pinaglalabahan at ang mga misis ay marami pa ang panahon para maglaba. kapag na-determine mo na yung dalawang factors na yun (interest and location o kaya need ng community), medyo hindi na mahirap mag-isip ng potential business.

    sana kahit paano ay may nai-contribute ako hehehe

    [Reply]

  15. Myna on Tue, 21st Nov 2006 6:59 am
  16. Dear Reyna Elena:

    Maraming salamat sa mga in sights..

    Yong tindahan, medyo hindi ko sya i coconsider sa ngayon kc maraming tindahan sa lugar namin..

    PLDT was really a good choice for me, kaso katulad nga ng sabi mo, kailangan i consider ang location at interest ng hahawak ng negosyo, na wala sa nanay ko..

    Kinoconsider ko rin yong 15000 pesos franchising na nakuha ko sa site ng entrepinoys, pag aaralan ko na lang pag bakasyon ko by next yr…

    Gusto ko rin yong mga tyangian sa Marikina Expo, kaso wala kaming sasakyan para gamitin sa pamamakyaw.

    Sana makakuha pa ko ng maraming ideas mula sa reader mo..

    Maraming salamat..

    Myna

    [Reply]

  17. eu-leh on Tue, 21st Nov 2006 7:06 pm
  18. Sa palagay ko e sapat na yung 100K worth of inventory para sa isang sari-sari store. Marami ka ng mailalagay na mga paninda lalo na kung more on tingi, like sachets, de supot na toyo, suka, patis, mantika etc. Iwasan mo lang talagang magpa-utang dahil dyan ka magsisimulang malugi, kahit pa kamag-anak. Bisnes is bisnes ika nga! Good luck.

    [Reply]

  19. Chuva Chienes on Wed, 22nd Nov 2006 3:34 am
  20. Magandang gabi po kagalang galang na Reyna Elena la Isla Chuvalingga! Ito po ang inyong linkod na si Snooky Serye. Nakakatuwa po ang inyong mga postings dito at maraming natutulungang mga kababayan na nagsusumikap na itaas ang libel ng pamumuhay sa ating bansa.

    Sana po ay payagan ninyo akong ihayag ang munti kong tuklas - para makapag bigay lakas loob sa ating mga kabayan.

    Ako po ay na-inlab sa isang lalaking hindi karapat dapat na mahilig mangolekta ng pagong. Sari-saring pagong ang koleksyon niya. Naghanap po ako ng mga kakaibang pagong para maging rumantik, at doon ko po natuklasan ang ebay. Ako po ay nasa Amerika, my kaunting kinikita pero kung minsan ay kinukulang pa rin. Sinimulan ko pong ilista ang mga DVD at CD na hindi ko naman po napakikinggan at napapanood. Nagulat na lamang po ako ng maraming nag-bid sa mga DVD at CD ko. Then I discovered that the ones that garnered the greatest bids are the ones that are gay-themed movies. Hindi po porno ano po, istorya lang po ng mga bading. Like Trick, Latter Days, Bent, and all that. Then, it got me excited and started looking for vendors of DVD’s and CD’s for the alternative lifestyle. Mahirap pong maghanap ng vendor pero nakatuklas po ako ng isa. Duon po nagsimula ang business ko at bigla akong naging Powerseller sa Ebay.

    Mahigit tatlong taon na rin po ako sa Ebay pero during this journey, I have met so many kababayans who are in the Philippines and yet have Ebay stores here in the U.S. - and they are Powersellers!! Like user ‘nilaga’ who sells antique statues or ‘7000islands’ who sells paintings by Filipino artists.

    At ngayon po mahal na reyna, ang inyong princesang si Snooky Chienes ay may sarili na ring website. Para po sa ating mga sisters (bading) or kuya (biyaning) - - my store now serves the community with pride. Hindi lang po DVD ang benta ko ngayon kundi pati mga artwork na rin po, jewelries, at rare 1st edition books. Sa maliit na kapital, lumaki ng lumaki hanggang sa ngayon ay nagbubunga pa rin.

    Sana po ay matuklasan ng inyong mga mamamasa, na sa kapital, kahit kaunti - mapalalago kapag iningatan. Isipin po ninyo, ang 7-eleven po ay nagsimula lamang sa pagbebenta ng yelo. Imagine - yelo submarine lang!!!

    Have hopes mga kababayans - - keep the dream alive ika nga!

    Bablich!!

    Miss Chuva Chienes
    http://www.rainbowreels.com

    [Reply]

  21. Reyna Elena on Wed, 22nd Nov 2006 12:31 pm
  22. First,

    SORRY ho, me nakalikot ako sa admin file and I have no idea what I did, I was trying to fix something, mas lalong nagkagulo-gulo! Ang hirap nitong technologically challenged!!!

    Second,

    Natutuwa ang Reyna at marami palang tumutulong sa ating kafatid na si Mina kahit na medyo nawala ako. Busy kasi kami dito dahil Linggo Nang Pasasalamat dito sa Merika. As in, salamat ki Euleh who helped me with my site nong bago ko tong ginagawa, salamat sa aking mga diwatang tumutulong sa ating mga kapwa OFW’s na sina bea, kuta, momnibochok, si mocs at kung sino sino pa.

    Myna,

    Sangkatutak ang ideas na makukuha mo dun sa site ni Entrepinoys http://entrepinoys.blogspot.com/

    Aayusin ko po muna ang site na to at medyo nagkakalokoloko na!

    Marami pong salamat senyong lahat, sister na bading, brother na byaning (from Ms Chuva Chienes) at lahat na OFW’s dyan…

    Reyna Elena

    [Reply]

  23. reyna elena on Wed, 22nd Nov 2006 6:17 pm
  24. hello chuva chienes!

    ang sarap sarap basahin nang kathang isip literary writingn chuva chienes mo!!! tawa ako nang tawa! para akong asong ulol dito sa opisina! ha ha ha

    i think we’ve all been talking about starting a biz here, tapos little did we know na nakalimutan pala naming lahat that there is a biz that you could start for way even less that Php100k at eto na nga tong ebay experience mo! can you imagine? hulog ka talaga nang mga bading na chuvaley!

    this ebay experience mo is one such excellent contribution to everyone out there, especially sa ating mga fellow natives in our own turd world kawntri, especially now that they have PayPal in the Philippines, although i’m not sure kasi what I read in http://www.jozzua.com’s page is that kulang yata ang services na ino=offer nang PayPal.

    In any case, o ayan, pwede na siguro magtindang daing, talong at kung ano ano pang tuyo sa ebay philippines.

    Excellent contribution Chuva Chienes!!! Thank you and good luck sa ebay business mo! I will advertise your biz in this site, once I get to fix this one kasi nagkaloko loko na toooo!!!

    [Reply]

  25. kutang bato on Wed, 22nd Nov 2006 9:25 pm
  26. kala ko na virus ang pc ko… kaw pala may kasalanan.

    [Reply]

  27. reyna elena on Fri, 24th Nov 2006 2:06 am
  28. kuta,

    it looks like i finally was able to fix the site. i’m not home, i have to use a friends computer from several miles away since she’s using firefox and so i am able to see what’s funky or not right in the middle of our thanksgiving nite he he he over a glass of wine he he he

    [Reply]

  29. marilo on Mon, 11th Dec 2006 9:54 pm
  30. hi, ang saya ng mga sharing dito. nawawala tuloy ang lungkot ko. Anyway, gusto kong humingi ng tulong sa Reyna Elena ng paraan para maka start ng biz sa ebay. Im here in U.S and isang stay home wife. so maganda kong thru ebay na lang mag hanap ng business. sana na mabigyan mo ako ideas or steps to start the business. thank a lot.

    malou

    [Reply]

  31. Reyna Elena on Tue, 12th Dec 2006 12:59 am
  32. marilo, na-meet ko si chuva chienes ngayon. nag-dinner kami. nakilala na nya si reyna elena. inin-terview ko sya tungkol sa success story niya. kung pano sya nakapag-ebay. bibigyan ko sya nang isang blogspace. maliit lang na space. kakarampot lang. yong i-mention ko lang ang rainbowreels tama na. kasi pinakain lang ako sa chinatown eh. bantayan mo na lang.

    [Reply]

    [...] Anyway… he posted this comment in this blog entry: Acting on  Entrepreneurial Dreams. I don’t know how many of you have picked it up but you can view this comment here… and at the same, I am going to pick up the comment he wrote and give it a blogspace entry. [...]

  33. labandera on Mon, 25th Dec 2006 10:35 am
  34. maligayang pasko sa iyo mahal na reyna..

    isa po akong labandera na nagpa part time sa pagba buy and sell ng mga sasakyan na hindi naman masyadong kamahalan.

    4 days ko na po binibisata ang website mo. nakaka aliw magbasa at marami pa ako natututunan dito. sana po ay marami pa kayong i post na kaalaman tungkol sa pagnenegosyo. mabuhay kayo mahal naming reyna! :-D

    [Reply]

  35. reyna elena on Mon, 25th Dec 2006 10:41 am
  36. walang anuman labandera. mag sabi ka lang kung anong negosyo ang gusto mong pag-usapan natin. kaso mga dwende ko, pinagbakasyon ko muna. kaya ako eto… he he he ahh… kwan…ehh… ano… medyo bumaba ang lipad.

    [Reply]

Tell me what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!





  • Live Traffic

  • Business Blogs - Blog Top Sites Business Blogs -  Blog Catalog Blog Directory Blogarama - The Blog Directory My Blog Juice


    Find the best blogs at Blogs.com.

  • Meta

  • Pages

  • Tags

  • Nasa kapa nang Reyna

  • Daily Read

  • Reyna Elena