Parental Wisdom - Filipino Style
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
I swear, ngayon lang ako magpo-post nito. I just want to share this to you people and hopefully, ngumiti lang kayo, maligaya na ang Reyna. Eto ay para sa mga tatay at nanay na mega-work sa labas nang Pinas at walang pakundangang padala nang pera sa mga anak sa Pinas, dala nang pagmamahal. At yong mga anak naman ay nasa Ortigas o kaya Eastwood, nag-gu-gudtime. Oppsss… He He He
Eto ay para sa mga ulirang magulang at magiging magulang balang araw….
Parental Wisdom - Filipino Style
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE :
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC :
“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”
4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:
“Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine.”
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:
“Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!”
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo nauubos lahat ng pagkain mo!”
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:
“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
“Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOUR MODIFICATION:
“Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!”
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:
“Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!”
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY:
“Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION :
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:
“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOUR:
“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE :
“Balang araw magkakaroon ka rin ng anak at tiyak magiging katulad mo, magiging sakit din sa ulo!”
17. Dagdag ni MoonCrystal72@yahoo.com:
Sa nanay ko naman ako natuto ng FORESIGHT noong ako’y greyd tu.
“Pag di ka nag aral, sa 100th anniversary ng elementary school nyo (alumni homecoming), mga dating kaklase mo puro na professional at chief of office. AT IKAW MAGPIPRISINTANG COOK NG BATCH NYO PARA MAY MAIUWI KANG PAGKAIN SA MGA ANAK MO!!!!
Popularity: 2% [?]
Viewed 24 times by 17 viewers























November 8th, 2006 at 5:04 am
great.. great words of wisdom! hahaha…
[reply this comment]
November 8th, 2006 at 10:13 pm
HA HA HA
I LOVE IT!!!
[reply this comment]
November 9th, 2006 at 5:46 am
YYEAAHHH!!!
Sa nanay ko naman ako natuto ng FORESIGHT noong ako’y greyd tu.
“Pag di ka nag aral, sa 100th anniversary ng elementary school nyo (alumni homecoming), mga dating kaklase mo puro na professional at chief of office. AT IKAW MAGPIPRISINTANG COOK NG BATCH NYO PARA MAY MAIUWI KANG PAGKAIN SA MGA ANAK MO!!!!
[reply this comment]
November 11th, 2006 at 1:18 pm
He He He
You know, kahit ganyan ka-strict ang mga PAYrents natin, they are probably the most wonderful creations in the world because little did we know - kasi ang kukulit kasi natin - that all they is just for us to have a gud life.
[reply this comment]
November 11th, 2006 at 6:02 pm
[…] To those who failed: Here’s Kuta’s message for you: #17. on Parental Wisdom. :-) […]
January 9th, 2007 at 9:23 am
wehehehe nakakatuwa yung parental wisdom, waahhhh sana lumabas na yung result ng board exam namin naiinip na ako. Baka po may alam sa inyo paano mag apply ng EPEC? dito kasi ako sa Singapore while waiting for the board exam result, naghahanap ng trabaho huhuhu tulong naman diyan anyone na nasa Singapore? Pwede ba ako i apply ng sis ko na permanent resident na dito as her dependent? — Jim 29 single, Singapore
[reply this comment]
March 30th, 2007 at 4:37 am
ang saya-saya ng post na to! hehe. pero sana yun ikaliligaya ng junakis nila ang isipin nila. nandun na ko na gusto nilang maging maayos lang ang lagay ng anak nila. pero di naman nila buhay yon eh, buhay yon ng anak nila. wala lang. ngayon ko lang to nabasa pero mukhang di ako tinablahan dahil siguro sa sama ng loob ko sa mga magulang na masyadong sinasakal ang kanilang anak. sinasakal in terms of pagpapatakbo ng sarili nilang buhay. hinde por que anak nila tayo, may karapatan na silang maniobrahin tayo. *sigh*
[reply this comment]
March 30th, 2007 at 11:38 pm
aba! aba! aba! ang ghandee! hindi sya anak ni mohatma ghandee! sirbergwenza ka?! ha ha ha! hindi ka lang pinayagan nang nanay na lumabas nong kabilugan nang buwan naglayas ka? HA HA HA ANSAYASAYYYYAAA!!! HA HA HA
[reply this comment]
March 31st, 2007 at 12:57 am
haha! kamahalan. hinde. hinde naman ako naglayas. hehehe. pero runong na ko tumayo sa sarili kong toes. nyahaha. ang ayaw ko lang eh ang masyadong pagiging pakialamera ng dear parents ko at ang kanilang pagiging kontra bida sa buhay ko. hahaha. sana kaw na lang naging nanay ko
[reply this comment]