San Miguel Dealership
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
hello reyna elena,
2 years na ko dito sa kuwait and newly wed ako. gusto sana nmin mag start ng business sa PI. balak sana nmin is san miguel dealership. kaso internet lang ang gamit nmin to get info bout that kind of business. ano ba ang requirements ng san miguel for dealership and mga magkano kayo ang capital to start that business and ilang percent kaya ang profit mo per case pag pinasa mo na sa sari sari store yung product thank you very much
Michael Enriquez mikenquez808@yahoo.com
—-
Pareng Mike,
Alam mo, mabuti na lang me mga kebigan-blog-prends me around here. In other words, bago ka pa nag-tanong, na-research na ni Eu-leh to. So, it makes my job a lot easier.
Kaya look into his site and here is the link: http://entrepinoys.blogspot.com/2006/06/san-miguel-and-softdrinks-dealership.html
He’s got it all for you. Good luck sa business mo!
Viewed 23 times by 8 viewers
$1=Php56, one year ago
Ok, I am reposting this one kasi I got 3 separate emails asking me to explain further kung ano ang epekto nitong rising peso. BTW, rising peso po, ang ibig sabihin, yong piso natin eh lumiliit ang palit hindi po yong dumarami. I know, nakakalito. Pero, heto po uli yong post ko…
Ganito yon. Consider this time frame. January 2005 (Andun ako sa Manila), exchange rate, $1=Php56. So, kakayod ka muna nang Php56 bago ka magkaron nang $1.
Sino ang me advantage sa ganitong exchange rate? Yong mga tiga-labas especially tayo sa America, Middle East, Hong Kong, Korea, Singapore or Europa. Kasi, sa konting $ na padala natin, maraming piso. Say $300 x Php56 = Php16, 800.00
Fast-forward ngayon, exchange rate, $1=Php50. Sinong me advantage? Yong mga businesses doon satin, why? Kakayod lang sila nang Php50, me $1 na sila. Ngayon, if you are here in the US sending the same $300 x $50 = Php15,000.
Ayun, bigla kang nawalan nang Php1,800 kasi Php15,000 na lang ang piso mo. Hindi lang yon. Pati foreign investors mawawalan nang gana mag-invest sa Pinas, why? Kasi konti na lang ang pera nila pagdating sa Pinas and normally tataas ang cost standards satin habang gumagaling ang peso. Say you bought a house in Manila na dating $600 and binabayad mo. You pay in pesos not in dollars.
Ngayon? Hindi na $600 yan! I bet you, you are paying more! Kaso ang problema nitong “the peso is rising” does not mean na our economy is really doing good. Kasi and rise nang peso is NOT due to the fact na lumalakas daw ang exports natin at komokonti and imports. Hindi eh. The reason why the peso is rising, kasi, sangkatutak na ang Pinoy sa boung mundo at kung magpadala nang dollar eh tone-tonelada! What does this mean? Sabi nila it’s a fake strengthening nang peso kasi it’s not based on the true fundamentals nang pagtaas nang economy. Kaya this is bad for our export economy kasi, sino pang foreigners ang bibili nang ating raw materials kung ganon kamahal na ang ating raw materials? Besides hindi pa naman competitive masyado ang export sector natin, eto ngayon, tinatamaan na naman, kaya nagrereklamo sila.
Look at China. Karamihan nang nababasa ko sa Wall Street Journal eh ayaw daw nilang aminin pero talagang ginawa dawl nilang and yuan eh mas mababa sa dollar para kikita parati ang Chinese exports. O, eh di tienes million dollar exports and China and they have been doing this despite na kaiiyak nang Estados Unidos. Although ang latest balita eh dahil nga ga-visit ang si Hu Jintao sa Merika eh biglang tumataas ang yuan. Ewan. Baka magic! Tama yong sinasabi nong Economic Planner pati na Professor sa University of the Asia-Pacific. Pag tumaas nang tumaas ang piso, babagsak ang export sector natin. Pulubi na naman tayo. Pero eto, me advantage at dis-advantage and rising peso. Titingnan lang nila kung fake ba to or this is because galling sa good business fundamentals and reason. At meron talagang tatamaan – titingnan lang nila kung alin ang mas mahigit na maaapektuhan. O ayan.
Disclaimer: Etong mga haka-hakang to eh based dun sa research na ginawa nang aking mga dwende. Wag pong iisipin at mamasamain nang todo at baka mabaliw kayo, hane?
Viewed 21 times by 9 viewers
























