Sorry for the long absence! Eto, balita muna!
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
Gasolina
Ewan ko senyo, but in our part of the globe, napakamura na naman nang gasolina!, gusto ko nang mag-imbak nang tone-toneladang ginalon-galon na gasoline sa balay namin. Actually, sa sobrang mura, gusto ko na syang gawing mantikilya!
Per Capita
Hindi ko yata naintindihan yong recent news sa Philippine Daily Inquirer na yong per capita income daw nang Pinoy eh nag-improve under Arroyo at ngayon ay $1,340 something something na sya. Per year ba yon? Multiply by Php50, eh di Php67,000. Ano to? Sangaraw, Sanlinggo? Sambuan? Santtaon? But how come if you go the World Bank site and even dun sa CIA Factbook, yong GDP Per Capita nang Pinas eh $5,300 times Php50 di Php265,000. Inu-ulol yata ako nang mga binabasa ko!
Php50 to $1 na! At trying to break the Php49 barrier daw!
Hirap na magtrabaho sa labas nang Pinas. Sangkayod namin, an tagal bago makabuo nang isang dolyar. Whereas, am happy to hear na yong Philippine economy is doing good, eh kaming mga mega-work outside of PI ang mga losers nito. Sana bumalik sya sa Php56=$1. Masakit sa bulsa naming habang gumaganda ekonomiya ninyo. Mas sambarilis na dolyares ipapadala na namin. Eto nga feel na feel ko na ang kagat nang Php50=$1 kasi mas madaming dolyar gi-padala ko karon pambayad lang sa balay ko sa Pinas, whereas noon, konti lang. Mag-rally nga kayo dyan?! Basta. Ibagsak nyo! Kahit ano! Bagsak nyo! (O, naniwala naman kayo! Biro lang po! Kayo naman! Pinapasaya ko lang kayo!)
Coup na naman?!
Aba! Kelan na lang ba titigil tong KUH na to? Lahat na lang gusting maging presidente! Kuh ditto, Kuh doon! Tago muna! At mag-ku-kuh mamaya! —- (HOYYY! Tumahimik ka nga dyan! Dyaryong Thailand ang binabasa mo! Ulol!)
Philippines sending 2,300 OFWs to Japan….
Teka… Pinas lang yata ang alam kong bansang wala nang ginawa eh palayasin at alilain kami sa ibang bansa, ba’t ganon? Actually, ini-ingganyo pa nga na lahat nang mga pinoy at pinay eh lumabas nang pinas at dun maghanap nang tarbaho. Di ba tayo ang nag imbento nang Bachelor of Science in Caregiving?  Wakit wala man lang pekealam gobyerno natin na ang hirap pag nawalay ka sa mga kabit mo? Ugh, I mean, pamilya mo, kapuso mo!
The World is looking towards Pinas
Na punuan ang kakulangan nang mga seaman officers. This should be good news to all those with seaman recruitment agencies. Gurang na raw at ulyanin na ang mga marine officers na mga hapon at kung sino sino pa and because puro pinoy ang mga seaman at sangkaterbang mga produktong seaman ang pinas, they’re looking at Pinas to satisfy world demand. O – mag seaman na tayong lahat.
Popularity: 4% [?]
Viewed 46 times by 29 viewers























October 1st, 2006 at 10:45 am
hahaha.. napatawa na naman ako! welkam bak reyna elena!
[reply this comment]