(From the gov.ph board, question posed to me by a certain Sho Ha Da and this is my response. He’s asking about Market Positioning.)
Mahal na Reyna Elena,
Naaliw naman ako sa iyo… b~klang b~kla kang magsulat… at an dami mong alam sa business, huh? yang qualities mo ang nilalapitan ng customers… bagay kang magbusiness….
anyway, makisabat na lang, 6 months pa lang ako dito sa uae, pero suko na ako sa homesickeness and demoralized ako sa work ko(sa isang exchange co.)…
Parang gusto ko na lang bumalik at mag-start ng business na small capital (nasa isip ko pagkain)… Restaurant modelled sa mga small restaurants dito sa uae na mangagailangan lang maliit na kapital… On the side naman, I can go back to the academe para magturo..
Advise lang kung pano ko huhugutin ang customers (market positioning ba?). Makukuha ko ba ang BCD crowd kung di ko masyadong pagagandahin ang place ko? Anong pwede kong gawin para kahit na hindi kagandahan (para maliit lang ang kapital) ang place ko, ay hindi ikahihiyang pasukin ng mga “nagsisinosyal” na mga empleyado at estudiyante at pwede rin naman pasukin ng mga DE crowd? Posible bang macapture ko lahat ang crowds na ito?I will wait for your advise…
sho ha da
======
Sho ha da ka!Pinagtrabaho mo ko nang todo ha! Sa susunod, post mo to sa blog ko para naman di na ko mahirapan no?! Grrrrrr!!! Po-post ko to dun sa blog ko for my dear readers also. Magalit ka na kung magalit!Ok. Here goes….
6 months? Suko ka na? Hirap no?! Unfortunately, that’s the OFW way of life. Gusto ko man sabihing, “tiisin mo anak, konti na lang!”, kaso I was in the same freaking position also and shit! I quit dude! I !@#$% quit! Ok?! Pero, wag mong gagayahin ang katangahan ko. Kaya eto, I try to teach people the right thing para tanggapin ako sa heaven dahil impierno yata tong napasukan ko no?!
Anak mahal ka nang reyna. Kaya eto, makininig ka. 6 months ka pa lang di ba?
Let’s see… True or False
- Iinutang mo ba yong placement fee mo?
- Inutang mo ba yong plane ticket mo?
- Dalwa ba asawa mo?
- Me concubine ka ba?
- Sandosena ba anak mo?
- Yong mga kafatid mong korenta anyos, umaasa ba sayo?
- Yong mga pangkin, umaasa din ba ang ulopong na yon?
- Yong mga tikbalang mo kaklase, kumpare, kumare pati na yong niligawan mong binasted ka, inuutangan ka ba?!
If the answer is TRUE, anak! Wag ka munang bumalik! The word is MAG-IPON. Next question, ME NAIPON ka na ba? AT magkano? Magbasa ka na lang nang blog ko kung na-aaliw ka. @#$% talagang buhay to, ambisyon kong makatulong! hindi entertainer!!! Palpak yata role ko sa mundo! Ano ba to!!!
Ok, Market Positioning.
Hindi to yung tipong naka tayo ka sa Quezon Av nang mga alas dos nang madaling araw ano? Iba tong di-discuss ko.
Market positioning is just a concept. A perception kung saan fit yong product or service mo sa market. Ano yong market mo, eto yong na-a-atract mong kakagat sa drama nang product or service mo. Kakainis – hirap magtagalog!!!! I was freakin born French that’s why!!!!
Ok. Para sayo, tagalog ako!
Kahit tayong lahat, nagkakaron tayo nang tinatawag na positioning and I’ll tell you baka di mo napapansin. Kunyari mabirong mabiro tayo sa work, genius tayo sa school, o kaya si Kuya na pagkabait-bait, all these are example of positioning because they all try to distinguish themselves sa karamihan. Ok, so yun ang positioning.
Now, when you do this – Positioning – nagkakaron ka nang image at yun ang pinakaimportante. So kailangan, idefine mo ang product mo – food, lugar mo- restaurant itself pati na logo, menus, physical appearance, both yong mga waitress, waiters, ambiance and everything. Bakit? Kapag hindi mo na-define sarili mo, your competitors will define you. “Ay naku, mahinang klaseng restaurant yan!”, meaning you cannot let them be the first to define you like this – you have to define yourself first. Get mo ko?
Eto ang tanong mo ngayon – How do I position myself para mahatak ko ung BC or DE o kahit na yong A crowd? Eto, makinig ka sa lola:
-
Numero uno. Presyo. Alam mo naman tayong mga Pinoy! I was back in Manila last January. Papacheck-up ko yong aking niece who’s also from the US. Ask ko neighbors ko. Sagot sa question ko? Mahal ho dyan sa Medical City! I asked them back, gano kamahal? Nobody knows. Shit! Gusto kong pagsa-sapakin!
So, luxury ba ang restarant mo? somewhere in the middle, or cheap, cheap, cheap? -
Service – Baka naman yong mga tauhan mo eh nakakairita? Dress code? Baka naman labas na yong kung ano ano? Yung mga pusod nakalabas?
-
Quality nang food mo? Isang kaban bang MSG ang nilalagay mo? Binubudburan mo ba nang deodorizer?
-
Suppliers. Saan galing ba yang mga pinagtitinda mo? Aba! Malay ko kung saang lupalop mo binibili ang mga raw materials mo ha!
-
Packaging – importante to! Just go to SM Food Court. We went there one time with my Italian classmate, aba, naloka sya when we tried this food stall na nakabalot sa dahon nang saging! O, yon ang positioning! Yon ang packaging! Me drama!
-
Finally, location, location, location. Luxurios nga restaurant mo, nasa gitna ka naman nang mga squatters! Get mo na to di ba?
Basta ang point, what’s the one thing that you can do the best that will set u apart from the competition? Anong unique sa luto mo? Anong unique sa service mo?
Eto advice ko: Lagyan mo kaya nang sangkaterbang jalopeno para talagang position na position ka?
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 1 comment… read it below or add one }
ShoHaDa Responds:
================
baka naman, class suit ang abutin ko… lahat ng kumain sa restaurant ko, nagkaalmuranas…
Did you read by lit. dedicated to you?
modiste aside, thank you… I am having a second thought in going home now. Oo nga pala, I have a lot of obligations back in PI, mayroon pa akong isang credit card na di pa fully paid (in fairness, 5 yon, huh?)… at maaaring di pa nga ako handa when it comes to capital outlay, i might be under estimating the figures… baka kulangin nga ako…
Ang pag-iisip ng pag-uwi ay bunga ng aking kalungkutan, pagkabagot sa mga kasama sa work na hindi professionals ang tirada – kung baga sa basketball, buko ang nilalaro nila ng naka paa pa). What am I doing here? With the management principles, leadership styles, org’l behavior that I have learned and I have taught to my students, and all that… heto ako sa gitna ng mga taong ito… do I have a mission why I am here? Will I teach them also including the “you know who”? Pagginawa ko naman yan, di kaya I am going against the flow?
I have just read your thread on your experiences when you were putting up your internet cafe (ba yon?)… and truly you have experienced a lot of headache…. the same headache I experienced when we have improved the house and lot that we acquired in Cavite some six years ago… It was like I was asking a building permit for Twin Towers… as if we were laying the foundations all over again… With the bureaucracy we have in the Philippines… mahirap din talaga..
Now, packaging… I have observed that some places like boutiques in the malls… they have rough floors (practically concrete without tiles or anything… shelves that are not well polished, steel frames that are not painted, etc.. almost appears like a bodega… But despite this mean arrangements and decorations, the over all outcome is “class”. Papasok ka pa rin para bumili… Do you think this is also applicable to restaurants? Kasi ito ang naiisip kong tema. Rough lahat pati tables, parang table ng cowboys… floors, etc. pero malinis at hindi malansa, of course… with waiters or waitresses in their printed shirts and bermuda… and cool and ventillation….
Pero gusto kong macapture and BCD and even E crowd. Ayaw kong mailang ang mga CD/E crowd “ay mahal diyan” at ang mga BC “ay ang cheap naman diyan”. Kasi the wider your market better…
So ito ang pinag-iisipan ko kung papano ko gagawin… pricing, taste.. but atleast with your insights may nakuha ako… salamat… kung mayroon ka pa… ibato mo lang and tell me kung… saan iyan blog mo…
Mayroon akong kinakainan sa China Town (sa Ongpin, Cafeteria Manoza yata yon), kung bago ka roon, mandidiri ka kasi talagang, yuck, ang noodles, lumalawit, sauce umaapaw ang kutsara nakababad sa mainit na tsaa… And one time, I told about the place to my lady boss, our AVP, Chinese din siya, sabi niya, “E di ba ang dumi dumi roon? (just imagine her facing expression)” You know I was embarassed, I think I did not come back to that place for 2 or 3 months… But after that, I kept on coming back and bringing my friends… Bakit?…. kasi, ang lasa ng pagkain grabe… nasasarapan ako sa paborito kong lomi.. at marami pang ibang masasarap…
Sila, ito ang kanilang product positioning, sa lasa nagkatalo… keber mereseng… naglalapot ang mangkok… wala akong paki alam, kakain ako ng lomi doon…
And this is what I want to have… market positioning… the BCD even E crowd… a the product positioning… sa lasa nagkatalo….
God bless you, mahal na Reyna… pasensiya ka na, feeling close ako sa yo….!
By the way, If you have friends in California who are planning to acquire properties, I have a friend who has just ventured into real estate business there… bigyan natin siya ng business i-refer natin sa kanya… para na rin makamura ang friends mo…
[Reply]