Multi-level or networking

by Rainier on March 14, 2006

Ano ba ang Multilevel or “network” marketing plans? Well, isa syang way to sell goods or services through distributors. Typically, etong mga plans na to is promising you na pag nag sign up kayo as distributor, kikita kayo nang commissions – sa mga benta ninyo at sa mga mahahakot mong bagong miembro na magiging distributors also. Etong mga recruits nato eh tinatawag na “downline” mo, kasi, nasa baba mo sya eh.

Me mga ibang multilevel marketing plans dyan na legit. Pero, yong iba ay mga illegal pyramid schemes. Sa pyramids, ang commissions ay base dun sa bawat mahakot mong bagong downline o distributors na ma-recruit mo. Yong mga productong binibenta mo are not really to consumer or madlang people, kundi sa mga distributors na na-recruit mo, ok? Etong mga goods na to eh posibling mga vitamina, arinola, kaya car leases o kaya ibos, ok? Etong mga productong to ang nagpapakunyaring legit ang scheme na to. Eh, kasi meron kang binebentang producto eh. Di ba? Arinola lang nga.

Ngayon, risky po sumali sa mga pyramid na to. Ilang Pinoy na ang umiyak sa mga ganito at marami pa rin ang naloloko. Nalaman nyo ba nong mga ilang taon eh halos usong uso to? Do you know that there are still pyramids ngayon? I just went home last January 2005 and I learned one from a friend na tawa ako nang tawa!!! Susko! Matatalino talaga mga pinoy! Ha! Ha! Ha!

Anyway, bakit risky? Kasi karamihan will lose money para bayaran ang kokonting members na nauna sayo. Karamihan nang kasali end up with nothing except yong arinolang ibenenta sa kanila na napilitan lang nilang bilhin. Get mo?

Ngayon, kung feel mong mag-join, aba – take time to learn kung ano ba tong planong to. Eto mga tanong na dapat na masagot:

  • Ano ba ang track record nang company?
  • Ano-anong arinola ba ang binebenta nila?
  • Nagbebenta din ba sila sa madlang publico?
  • Meron ba silang evidence to back up yong mga claims nila tungkol sa mga magic arinola nila?
  • How about yong price?
  • Competitive ba? Mura ba or mahal?
  • Yong product ba nila is appealing sa public? Baka pagtawanan lang yong product nila?
  • Magkano ba ang investment dito?
  • Meron bang monthly sales na kelangan mong abutin to earn a commission?
  • Required ka bang mag-recruit bago ka makapag-earn nang commission?

Be skeptical or wag basta-basta maniwala, o kaya, gumising ka Inday kapag sinabi sayo na if you buy yong start-up inventory nila tsaka yong sales literature nila, na merong commitment na dapat maka benta ka nang ganito, etc, eh yayaman ka na. Baka naman, kagatin mo kaagad ha?

Karamihan dyan sa iba, they spend a lot of money sa pagbili nong mga kung ano anong training classes nila, plus bebentahan pa sila nang kung ano anong producto. Karamihan, eto lang ang nagiging investment nila.

OK, Makinig ka.

Kung talagang decided ka na maging distributor, legally responsible ka sa mga claims na pinag da-da-dakdak nang company mo (company mo na yon ano? Kasi distributor ka na!), kahit na binabasa mo lang yong literature nila, aba, responsabilidad mo na rin yon, anak. Ang law ay nag nag a-advise sayo to read the company brochure or advertising flyer, verify mo ang research tungkol sa product performance bago mo I-broadcast sa mundo.

Tsaka, pag nag-recruit ka nang bagong downline, be honest at avoid making unrealistic promises, ok? Kasi, pag pumalpak yong mga promises na yon? Liable ka anak.

So, eto ang pag-evaluate nang plan:

  • Kapag ang plans include earning commissions kapag nakarecruit ka nang additional distributors, Kandelarya, baka isang illegal pyramid yan.

  • Beware of plans na kelangan bumili nang expensive products o marketing materials yong mga bagong recruit. Kandelarya, pyramids in disguise yan, tita.

  • Mag-ingat sa mga claims na your money will grow nang tuloy tuloy based dun sa pag dami nang iyong downline, that is, yong number of distributors you recruit.

  • Mag-ingat sa tinatawag kong “magic arinola“. Eto yong mga miracle products that promise enormous earnings. Tanungin mo promoter na patunayan yong mga claims nya.

  • Mag-ingat sa mga references paid by a plan’s promoter to lie about their earnings through the plan.

  • Don’t pay or sign any contracts sa unang pagkikita o kaya pag pri-nessure ka. Sabihin mo, pag-iisipan ko muna to, or tatawagin ko muna lawyer ko o sawa ko o pitbahay ko or tanungin ko muna ang Reyna.

  • Check mo yong company sa DTI. Me reklamo ba sa company na to?

Tandaan, kahit na magic arinola pa ang binebenta mo, magpapapawis ka muna nang dugo atsaka datung para mag pay-off ang investment mo. Quick money? Quick ding nawawala yan anak.




Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 8 comments… read them below or add one }

taz March 14, 2006 at 11:01 pm

masasabi ko lang sa mga nag iisip to venture on MLM, try to observe the success versus failure stories ng mga madlang pipol dito.

baka it would be a conservative statement if i say that 1 versus 10,000 ang success/failure stats nito…

kung mahilig kayo sumugal, try nyo. meron malaking pagkakaiba to sa ordinary na sugal.. dito sa MLM, most probably, you will risk all your resources because of the false promise na “the more you invest, the bigger and faster you become RICH.”… kaya daming nagtataya ng lahat ng kabuhayan dito.. before they know it, nalusaw na lahat…

no shortcut to success… coz you cant feel its essence unless you’ve experience the journey to it…

[Reply]

Anonymous March 16, 2006 at 4:12 am

My !@#$%^ newphew “borrowed” Php15,000 from me. (“Borrowed” kasi wala nang balikan and then babalik sayo’t ba-borrow uli at hindi mo na bibigyan at isusumpa ka na.) I found out later that he joined this pyramid scheme. Ayon, natodas yong kinse-mil.

Result? Titigbakin daw ako dahil hindi na sya nakakuha uli nang pera sakin.

[Reply]

ofwadmin April 30, 2006 at 1:13 pm

This was a comment posted by Rochelle on the blogspot that I am reposting here:

si.rochelle to queenreynaelena Hide options 3:16 am (5 hours ago) From: si.rochelle Mailed-By: blogger.com

To: queenreynaelena@gmail.com
Date: Apr 30, 2006 3:16 AM
Subject: New comment on Multi-level or “networking”

kung newbie ka sa MLM magimbestiga ka. meaning magresearch ka abt the MLM co.na sasalihan mo sa internet (dti, blogs, forums) at magtanung-tanong ka sa mga kakilala mo.i’m a a distributor of an MLM co. and believe me hindi lang skills at pera ang kailangan mo kundi madami pa. i worked from an online gaming company as a sales supervisor for over 4 yrs and when i entered at MLM nagamit ko ang mga contacts ko and some of my clients from my prev. job. naisip ko lang paano kung wala akong mga contacts at sales skills? hindi porke may pera kang pang invest e go ka na kaagad. and i heard some of MLM co. were asking for 20,000 php of initial investment. check the company’s profile, some of MLMs are even included in top 100 company sa fortune. walang masama sa pagtatanong. :D

Posted by si.rochelle to http://www.ofwcenter.com at 4/30/2006 12:16:30 AM

[Reply]

pinoymoneytalk November 5, 2006 at 4:42 pm

Not everyone is fit to join an MLM. If you don’t like recruiting other people, it will be tough for you to earn. You can’t simply bank on spillovers from your downlines, you get to earn only if your affiliate pool is growing and growing. If you don’t think you can do it, better not join an MLM program.

pinoymoneytalk

[Reply]

larry_tatskie November 15, 2006 at 6:47 am

may alam na kayo ano magandang negosyo?…gusto ko kasi maging distributor ehhh…..

[Reply]

larry_tatskie November 15, 2006 at 6:48 am

ay email address ko nga pala larry_tatskie@yahoo.com o di kaya 09183434017

[Reply]

c5 January 12, 2007 at 2:43 am

Benta ka nalang ng load…yun ang patok na patok ngayon kahit barya-barya. Lahat need na load parang pagkain yan na kailangan 3x a day kakain ka.

Kung interested ka, meron ako, P300 lang to join…and you can sell 130 products from your own SIM card. Reload lang ng wallet sa mga banks (may listahan) or sa outlet mismo.

Hindi ka kasali sa MLM kasi retailer ka lang. May MLM side din pero para sa mga dealers yun. Dealer ang mama ko, so may mga 60 cards (retailers) na available.

Kung ayaw mo magbenta, self-consumption nalang ng buong pamilya, instead na yung tindahan sa kanto ang kumikita, nakakatipid ka.

Wala akong claim na kikita ka ng malaki ha. Although pwede.

At kung interested ka, punta ka sa website ng company… http://plx.portal.com.ph

At kung tingin mo gusto mong subukan, send ka ng G-cash sa akin… 09278467723 na 300 lang naman…then send ko sa yo yung card details…

Remember, RETAILER lang ang alok ko ha…hindi dealership…

Actually, am just doing this for my mom…wala akong kita dito kahit singko…

[Reply]

yayayeah August 18, 2008 at 6:30 am

there are only two types of people on earth..the loser yung mga negative people yung mga nagpopokus sa mga negatives- which leads to empty life and the winner who are very courageous and nag aaral ng mabuti..malawak ang kaalaman, matapang at malawak ang pang unawa, this are people who will become wealthy.;)

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: